WillowHindi ako makapaniwala nung banggitin sa akin ni Josh ang napag-usapan daw nila ni Dylan kanina sa opisina. Hindi pa bumabalik si Dylan mula sa Maynila pero nagmessage na siya kay Leonard na bukas ng hapon ay nandito na siya.“Josh, ano bang naisipan mo at ginawa mo yan?” inis na tanong ko sa kanya lalo na at nagsisimula na akong mairita“Sweetheart, huwag kang mag-alala, may sweldo naman yun kaya kahit absent ka, with pay pa rin!” paliwanag niya sa akin kaya naman napapikit na lang ako.“Josh, hindi yun dahil sa pera! May trabaho ako dito at hindi mo pwedeng basta-basta pakialaman yun!” Kahit na naka-videocall kami ngayong gabi ay nakita ko kung paano nalungkot ang mukha ni Joshua sa sinabi ko.“Sorry sweetheart! Gusto lang naman kitang makasama ng matagal! Okay kung ayaw mo, balik na lang tayo sa dating plano. Susunduin kita ng sabado ng hapon!” Napapadyak na lang ako dahil feeling ko, nanggi guilt trip pa itong si Joshua. AT sa totoo lang, pag ganito siya, hindi ko naman
Read more