WillowMasaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.“Okay ka lang, Will?” tanong sa akin ni Dylan and nasanay na rin ako sa tawag niyang ito sa akin“Okay lang ako, boss! Excuse me lang, papahangin lang ako!” sabi ko dahil nakita kong nagdedesert pa ang ilan sa mga kasama koTumango si Dylan at alam ko na ramdam niya na may dinadala ako. Lumabas ako at nagtungo sa pinaka-garden ng restaurant. Naupo muna ako doon at kinuha ko ang telepono ko para matawagan ang kapatid ko.Nagring ang phone niya at agad naman itong sinagot ni Katrina.“Kamusta kayo diyan?” tanong ko dahil nag-aalala din ako para sa kanya at kay Simon, ang bunsong kapatid ko“Okay naman kami, ate! Nasa school si Simon. Ako, mamaya pa yung klase ko!” sagot naman ng kapatid ko“Si mommy? Nasa
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-17 อ่านเพิ่มเติม