Natigilan si Barbara sa narinig niya mula kay Rhea. Unti-unting napalis ang pagkakanguso ng kanyang labi habang napalitan ng kakaibang pintig ang puso niyang may galit parin kay Nate.Nate really did that? Binayaran talaga nito ang photography project ni Rhea para lang may makasama siya habang nagpapagaling sa ospital?"Are you really telling the truth, Rhea?" Paninigurado pa niya."Ano ka ba naman, girl. Syempre totoo. Alam mo naman na hindi ako boto sa kanya noong nalaman kong may babae siyang gusto, hindi ba? Pero nang gawin niya ang pagbayad sa project ko para lang malibang ka habang nasa ospital, well, masasabi kong medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. You see, hindi ko naman nakita si Luke na nag-effort sa iyo ng ganyan. It was the other way around," mahabang litaniya ni Rhea.Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. She's annoyed of how she likes Nate's moves towards her. Baka mapabilis ang pagpapatawad niya sa lalaki kapag ganito siya."So, kumusta naman ang relationship n
더 보기