Hindi napigilan ni Barbara ang marahang pagpapakawala ng tawa dahil sa huling sinabi ng lalaki. Ang kanyang puso ay tila ba hinahaplos ng labis na init habang nakatitig sa mukha ni Nate na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin. Sino nga ba ang mag-aakalang ang kinatatakutang Nathaniel Stvaros ng Stavros Logistics ay may ganitong itinatagong malambot na s bahagi kapag kanyang kaharap? "Puro ka talaga kalokohan, Nate," nakangiti niyang bulong bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "I am damn serious here, Barbara but you're just taking me as a joke. You're enjoying this, right? Me simping over you?" Tila ba nasasaktan nitong wika. Napailing nalang siya habang may munting ngiti sa labi. Sino bang hindi mag-eenjoy kapag patay na patay sayo ang isang Nate Stavros? "Minamadali mo ba ako, Nate?" Kunwa'y masungit niyang asik. "Nope. I'm just telling you how unfair life is. I have already confessed. Kailan ko ba maririnig ang iba diyan na aamin." Muli siyang natawa at hindi na napi
Read more