Hindi na hinintay ni Barbara ang muling sasabihin ni Nate. Mabilis niyang nilampasan ang lalaki, bitbit ang kanyang bag at ang locket na mahigpit niyang ikinukubli sa kanyang palad."Barbara, sandali! Mag-usap tayo, please!" Habol ni Nate, ngunit bago pa man niya ito tuluyang mahawakan ay marahas nang binuksan ni Barbara ang pinto ng silid."Huwag mo akong susundan, Nate. Ayokong marinig kung anuman ang nais mong sabihin ngayon. I want space. And I can't have it when you're around. You already lied to me kaya sana man lang kahit iyon lang maibigay mo sa akin bilang respeto," malamig na turan ni Barbara at dire-diresto ng naglakad pababa ng hagdan, ni hindi man lang nga ito nag-abala na lumingon pa.Natigilan si Nate sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang mga kamay na akmang hahabol sa asawa niya ay dahan-dahang nalaglag sa kanyang gilid. Bakas ang labis na sakit at pagsisisi sa kanyang mga mata habang pinapanood ang bulto ni Barbara na mabilis na naglakad pababa ng hagdan hanggang sa t
Read more