"Sabi ng doctor pwede ka na raw lumabas at sa bahay nalang magpagaling," basag ni Denver sa katahimikan.Huminga ng malalim si Celine bago tumango. "That's good. I want to visit Mommy as soon as possible," marahan niyang tugon.Nang araw ding iyon ay nakalabas ng ospital si Celine. Dumiretso sila sa mansion ng kanyang mga magulang kung saan naabutan nila si Atty.Davis na naghihintay sa kanila."Attorney, how was my mother? Okay lang ba siya? Hindi ba siya nahirapan doon?" Sunod-sunod na tanong ni Celine.She had spent some time in jail and all she can say is, it's never that easy. Malamig ang sahig at maraming lamok! Walang aircon at mabaho ang paligid."Wag kayong mag-alala, Miss Celine. Nasa maayos na kalagayan po si Madam Esmeralda. She's inside a detention room. Everything is well provided too," sagot ng abogado.Sa kabila ng sitwasyon nila ay nakahinga ng maluwag si Celine kahit papaano. "Then, pwede ko ba siyang bisitahin ngayon? I badly want to see her," puno ng pagsusumamo niy
Read more