Matapos ang halos apat na pung minutong biyahe, nakarating na si Celine sa detention center kung saan nakakulong si Luke. Habang nasa labas siya ng detention room, hindi niya maiwasan na mapaismid. Noong siya ang nakulong, inilagay siya sa loob ng isang malamig na selda. Tapos ngayong si Luke ang may kaso at mas malala pa nga kaysa sa kanya, nasa isang maayos na silid ang lalaki. May kama, mesa, upuan at sariling aircon pa.Perks of being a Stavros...Marahan niyang hinaplos ang kanyang medyo maumbok ng tiyan. Soon enough, she'll enter Luke's family using the baby. At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin niyang mas mataas pang posisyon ang makukuha niya kaysa kay Barbara!Huminga siya ng malalim bago tinanguan ang nakabantay na pulis. Binuksan naman nito agad ang pintuan kung saan tumambad sa kanya ang nakaupong si Luke."Mananatili po ako sa loob for safety purposes, Ma'am since nakaranas po si Mr.Stavros ng emotional instability," magalang na wika ng pulis.Napasulyap siya kay Luke n
Read more