Devorah’s POVMaaga akong gumising para maghanda ng almusal, papungay pungay pa akong nakatingin sa wall clock at mag aalas-singko pa lang.Agad akong nagtungo sa kusina, agad akong nagsalang ng sinaing sa rice cooker, ang bahaw naman ay nilamas ko para isangag. Pagtapos kong mag sangag ay nag prito ako ng itlog, tocino at tuyo.Matapos ko kong nagluto ay inilapag ko sa mesa ang isang malaking mangkok na sangag, pati na ang mga pinirito ko at tinakpan na muna para makaligo ako.Mamaya na ako kakain..Niready ko na muna ang susuotin ko matapos ay dala dala ko itong pumasok sa banyo. Halos kalahating oras yata ako sa pagliligo, kasama na don ang pagpapatuyo ko ng katawan at pagbibihis.Nang matapos ay lumabas ako ng banyo, nakabihis na at nakabalot ng tuwalya ang buhok ko.Pero ng patungo na ako papunta sa mesa, naroon na si Mama at Lilian. Kumakain, pag tingin ko sa niluto ko wala na… kahit kapiranggot ng ulam, wala na.Tinigna lang nila ako at sinamaan ng tingin, ni hindi man lang nil
Last Updated : 2026-02-28 Read more