MasukILANG araw na ang lumipas, ilang araw naring nagpipigil hininga si Dev sa tuwng makakaharap nito ang boss niyang si Liam. Madalas kasi itong ipatawag ni Liam sa opisina niya at magtatanong ng mga wala namang ka-kwenta kwentang bagay.
Ngayon, muli nanaman niyang kaharap ang lalaking kinabubwisitan niya, nakaupo habang nakatitig lang sakaniya.
“I am your first right?” nanlaki ang mata ni Dev sa narinig, hindi siya lubos makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Liam ang bagay na iyon.
Sa halos araw araw niya kasi itong nakakaharap ay never nabanggit ang nangyari sakanila nang gabing ‘yon.
“H-ha?” tanong ni Devorah, bakas parin sa namumula niyang mukha ang pagkabigla.
“Nothing, you’re 26 right?” tanong ni Liam kay Dev.
Tumango lang si Devorah at yumuko ulit, ayaw niyang ipakita sa kaharap niya kung gaano nag iinit ngayon ang pisngi niya.
“Kung wala na ho kayong ibang sasabihin sir, lalabas na ho ako.” saad ni Dev, akma na sanang tatalikod ng sitahin siya ni Liam gamit ang simpleng tawa.
“Ugali mo na talagang umalis kahit wala pa ang pahintulot ko no?” nakangisi nitong sabi at tumayo.
“Sabagay, bigla bigla ka na nga lang sumusulpot e? diba? remember the night you stumbled into a room kung nasan ako?” Saad pa ni Liam na nagpakaba kay Dev.
“I-i don't know… because i’m drunk that night” matapang na sagot ni Dev.
Natawa ng bahagya si Liam at bahagyang naglakad palapit kay Devorah.
“Oh, really?” Mapang-usisang saad pa nito.
“Yes” deretsyahang sagot ni Dev.
“So.. you really didn't know what happened that night, isn't it?” Saad pa ni Liam at muling lumapit kay Dev.
“S-sir..” kabadong bulong ni Devorah.
Nang makalapit si Liam kay Devorah ay sinandal niya ito sa pader, dahilan para macorner ai Devorah mula sa mga bisig niya. Inilapit ni Liam ang mukha niya at konti nalang ay mag-papang abot na ang mga labi nila.
“Tell me, am i not good in bed?” tanong ni Liam, tumitig sa mga mata ni Devorah na labis nitong ikinakaba.
“S-sir please.. K-kailangan ko na pong bumalik sa trabaho ” kabadong sabi ni Devorah at dumaan sa ilalim ng kamay ni Liam, at bago pa makapagsalita si Liam ay mabilis ng lumabas si Devorah mula sa office ng Boss niya.
Pabagsak na umupo si Dev sa pwesto niya, nagulat naman si Parsha dahil sa malakas na buntong hininga ng kaibigan.
“Lagi ka nalang ganyan sa tuwing galing ka sa office ni Mr. Vezqua” puna ni Parsha.
“Ikaw ba naman magpabalik balik mula 15th floor hanggang dito e!” inis na sabi ni Devorah. Tinawanan nalang siya ng kaibigan niya at tinap ang balikat nito, parang sinasabi na fighting!
Tinuon ni Dev ang oras sa mga papeles na pinapadiscard ni Ms. Heidy, ito ang pinakaayaw niya sa lahat dahil bukod sa nakakainip ay naririndi siya sa tunog ng machine.
Maya maya pa ay lumapit sakanya ang kaibigan, inabutan siya ng kape nito at isang chocolate bar. “Pampa-boost ng energy mo” saad ni Parsha at kinindatan si Dev.
Napasandal si Dev sa pader habang binubuksan ang chocolate bar tapos ay kumagat ito. “Alam mo bes, parang.. parang want ko mag resign..” buntong hininga ni Devorah.
Bigla namang napamewang si Parsha at pinaningkitan mg mata si Devorah. “Hoy girl! ilang araw ka palang here suko ka na? kumusta naman yung work mo doon sa dating pinapasukan mo? umabot ka ng 2 years do’n teh bilang utusan!” singhal nito.
Napaisip si Devorah, tama nga naman.. Pero iba kas ang sitwasyon niya ngayon dahil, may sikreto siyang kahit sa kaibigan ay hindi niya kayang sabihin.
“Umamin ka nga sakin Bes.” biglang bulong ni Parsha. Napaatras naman si Devorah at nagpalinga linga sa paligid. “Hinaharas ka ba ni Mr. Vezqua?” deretsyong tanong nito kaya naman kusang naglanding ang kamay ni Dev sa bibig ni Parsha para takpan ito.
“Manahimik ka nga! baka mamaya may makarinig sayo e! syempre hindi! tsaka.. B-bakit naman ako haharasin ni Sir Liam e… halata namang di basta basta napatol ‘yon kung kani-kanino?” di siguradong sagot ni Dev habang kinakain siya ng kaba na bumabalot sa katawan niya.
“Ikaw bes ha! baka naman may hindi ka sinasabi sakin?” pang gigisa ni Parsha sa kaibigan habang si Dev nama ay kusang nanuyo na ang lalamunan dahil sa tanong ni Parsha.
“E-ewan ko sayo! bahala ka nga!” inis na sabi ni Dev, at nag walkout. Habang si Parsha naman ay nakatingin lang kay Dev at pangiti ngiti.
Matapos ang mahabang oras ng trabaho ay oras na para sa uwian. Lalamya lamyang naglakad si Dev palapit kay Parsha at kumapit sa braso ng kaibigan.
“Gusto mo milktea muna tayo?” pag aaya ni Parsha. “Ayoko, need ko umuwi ng maaga..” sagot ni Devorah at napabuntong hininga. “Ewan ko ba kasi sayo! ang tagal tagal na kita sinasabihan na doon ka muna sa condo ko, di mo naman maiwan iwan yang Nanay at kapatid mo! ang tanda tanda na ng kapatid mo! tsaka haler girl! 2 years lang tanda mo don sa bruhilda mong kapatid, at yung Nanay mo? aba! hindi pa naamn siya senior para humilata nalang maghapon sa inyo, maghihintay ng pera at hahainan mo pa ng pagkain!” inis na sermon ni Parsha kay Devorah.
Matagal na ng kinakausap ni Parsga si Devorah na doon nalang sa condo niya, o kung hindi naman ay mag rent nalang silang dalawa atleasr sila ang mag kasama, at para mahiwalay si Devorah sa toxic niyang Nanay at Kapatid, pero matigas ang ulo ni Dev, ayaw niyang iwanan ang Nanay at kapatid niya dahil pinanghahawakan niya parin hanggang ngayon ang bilin sakaniya ng Papa niyang namayapa na.
“Alam mo naman kung bakit ayaw ko silang iwan diba?” ani Dev, puno ng bigat ang bawat pag hinga.
“Beh, buong buhay mo tinuon muna sa nanay at kapatid mo! ultimo sarili mong pangarap kinalimutan mo para lang masunod ang gusto ng nanay at kapatid mo! maiintindihan naman siguro ni Tito kung aalis ka at iiwan mo na sila. Hindi na tama Bes!” inis na saad ni Parsha.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko.. umaasa parin kasi ako na maaapreciate rin nila ako balang araw..” buntong hininga ni Dev. “E pano kung hindi? pano kung never? paano ka?” sunod sund na tanon ni Parsha. “Ayos lang.” tipid na sagot ni Dev kaya naman napatampal nalang si Parsha sa noo niya at bumuntong hininga.
Alam ni Parsha lahat ng sacrifices ni Dev since highschool, na witness niya lahat ng paghihirap ni Dev simula noong mamatay ang papa niya, naging di na katanggap tanggap ang naging pagtrato sakaniya ng Nanay niya, at habang tumatagal ay ganoon rin ang kapatid niya, na kung anong gusto ay dapat masunod.
Namatay ang Papa ni Dev sa isang aksidente, nagpasundo si Dev no’n sa papa niya dahil na stranded sila sa isang baranggay kasama si Parsha at iba pa nilang kaklase. Mag gagabi na at malakas pa ang ulan kaya naisipan ni Dev na tawagan ang papa niya no’n at habang papunta ang papa niya sakay ng pampasahero nitong tricycle ay naaksidente ito. Dahil sa sobrang pag aalala sa anak ay mabilis ang naging patakbo ng papa ni Dev, at hindi napansin ang kasalubungan nitong kotse.
Nagbayad lang daw ang nakabangga sa Papa niya ng malaking halaga na agad naman tinanggap ng mama ni Dev. Yung galit at pagkadismaya niya ay nilunok nalang ni Dev, at ang huling bilin ng Ama niya bago ito malagutan ng hininga, hanggang ngayon ay pasan pasan parin i Devorah.
“Ikaw na ang bahala sa Mama at sa kapatid mo, Bora.. Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo”
Napapunas nalang si Devorah sa luha niya bago tuluyang buksan ang pinto papasok sa bahay na nirerentahan nila.
Sariwa parin sa isipan ni Devorah ang pangyayari noong araw na iyon, kaya sa tuwing maaalala niya ay hindi niya maiwasang umiyak.
“Mabuti naman at dumating ka na! nagugutom na kami!” bungad ng Mama ni Devorah, hindi nalang ito kumibo at pumasok lang sa kuwarto niya para ibaba ang gamit niya.
Ganito ang routine niya sa araw araw, after work, isang kalupitan pag uwi ang dadatnan niya.. Hindi lang siya sa trabaho utusan, maging sa sarili tinuturing niyang tahanan.
Pagbalik ko sa office ay bagsak ang balikat kong umupo at napabuntong hininga nalang.“Oh, palala ng palala itshura mo ah? anyare?” tanong ni Parsha. “Wala pagod lang siguro ako, sakit sakit ng likod ko” palusot ko nalang, pero ang masakit sakin? dibdib.“Hmm, hayaan mo… Mawawala ‘yang sakit ng likod mo later kapag nakapagkwento kana sakin about kahapon” she giggled, tapos kumindat pa.“Dapat nga ngayon ka na mag kwento e, wala namang masyadong ginagawa tsaka pauwi narin naman tayo.” dagdag pa niya.Ngumiti ako at huminga ng malalim. “Bes, pwede ba ako mag stay sa condo mo?” ilang kong tanong.Kita ko ang pag tulala ni Parsha sakin halatang nag loading pa.“Huy!” tapik ko sakaniya. “Bes…” saad nito, lumapit sakin at hinawakan ang ulo ko.“Nauntog ba ng malakas ‘yang ulo mo? patingin ako kung may marka” saad nito habang sinusuri ang ulo ko.“A-ano ba yan, siraulo ka talaga.” inis na natatawa kong sabi, tapos kinapa naman niya ako sa noo at leeg.“Di ka rin naman nilalagnat…” saad pa ni
Pagkalabas ko ng office ni Liam, para akong tinakasan ng bait. Grabe, parang wala lang sakaniya na nakita ko sila nung babae kanina na may ginagawang kababalaghan.Tangina, Devorah. What did you just see? at bakit parang dismayado ka?Habang bumababa ang elevator, Buntong hininga ko lang ang naririnig ko. Nakatulala lang ako sa digital floor indicator na parang gusto kong sabayan, sa pagbaba ng number, mula fifteen, fourteen, hanggang sa pagdating sa marketing department.Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.Inis? Hiya? selos?Selos?! nah!Napapikit ako sa pumasok sa isip ko at na-pa-pay-pay pa sa kamay ko dahil, pakiramdam ko kasi ang init.Pagdating ko sa marketing department, ay sinalubong agad ako ni Parsha at kumapit pa sa braso ko.“Himala di ka nakabusangot ngayon ah?” Bungad ni Parsha, sabay tawa habang kumakaway ng ballpen sakin.Napangiti ako ng pilit. “Ahh? ano kasi, wala siya sa office niya iniwan ko lang yung files” sagot ko.“E ba’t ang tagal mo
Umaga na ng magising ako. Medyo masakit pa ang ulo pati nakatawan ko. Hindi ko alam na sobrang haba ng naging tulog ko, nakabalik kaya si Liam kahapon? kagabi?Tumayo ako at sinuot ang robe na nakasabit sa gilid ng kama. Paglabas ko ng kuwarto sobrang tahimik, at tanging sinag lang ng araw mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa condo.Tumingin ako sa wall clock mag 7 am palang kaya nag decide ako na magluto munang agahan. Pag bukas ko sa ref puro ready to eat lang ang mga naroon, kumabaga ipapainit nalang sa microwave para makain.Kumuha ako ng isa sa, rice siya with parang pork tapa at inilagay iyon sa microwave. Habang hinihintay ay nag timpla ako ng kape, at ng tumunog na ang microwave ay agad ko naitong kinuha at nilapag sa mesa.Kumain lang ako habag umiinom ng kape. Napasinghap ako bigla, sobrang gaan sa pakiramdam na mag isa lang, walang ingay dahil sa bangyan, utos at mga pang iinsulto galing sa mama at kapatid ko.Ngayon lang ata ganito kaganda at kagaan ang umaga na sasalub
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa yakap niya.Basta naririnig ko lang ang mahinang tibok ng puso niya, ang dahan-dahang paghinga niya na parang sinasabayan ang paghinga ko.Parang ang tagal ko nang hindi nakakaramdam ng ganitong uri ng katahimikan, ‘yung tahimik na sobrang gaan lang kasi kahit papaano may nangyari paring maganda sa araw ko.Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko, pero sa bawat paghaplos ni Liam sa likod ko, parang unti-unti nababawasan yung mga sakit na nakaipon lang sa dibdib ko.“Sorry,” mahina kong sabi, halos pabulong lang habang nakasubsob pa rin ako sa dibdib niya.“For what?” tanong niya, pero hindi niya ako binitiwan, gustuhin ko man ilayo ang sarili sakaniya ay hindi ko rin magawa dahil mahigpit parin ang pagkakakulong ko sa bisig niya.“Sa… sa pag-iyak ko ng ganito. Sa pagiging… mahina.” halos pabulong kong sabi.Narinig ko siyang napabuntong-hininga at biglang paghigpit pa ng yakap niya…“Devorah,” mahinahon niyang sabi, “you’re not weak. You’re j
Devorah’s POVNaging tahimik lang kami ng magsimula kaming kumin hanggang sa matapos. Ako na ang nagligpit ng kinainan namin at naghugas. Si Liam naman, nakasandal sa upuan, nakatingin lang sa baso niya na parang may iniisip.“Gusto mo ng wine?” Napalingon ako sakaniya sa tanong niyang iyon, nililinis ko nalang kasi ngayon ang lababo. “Ang aga pa..” saad ko, at nagpunas ng kamay sa towel“So what? you don't want to celebrate your birthday?” tanong nito. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bukod kas kay Parsha at Tristan, wala ng ibang nakakaalala ng birthday ko.“So, Wine or whisky?” tanong niya ulit.“Wi..whisky.” sagot ko.“Hmm, you're into hard ha” may tono sa boses nito sabay tayo at nagtungo sa bar counter.Hindi ko na siya pinigilan. Ilang sandali pa, bumalik siya dala ang isang bote ng whisky.“Birthday mo. You deserve at least one glass.” saad nito at inabot ang isang glass ng whisky.Tahimik kaming uminom. Isang lagok, dalawa, hanggang sa hindi ko na namalayan na umiinit na a
Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at tinulak ako papasok sa loob tsaka pabagsak naisinara ito ulit.Nakita ko pa si Mama at Lilian na nasa pintuan ng bahay at nakatingin sakin, hindi kay Liam.Agad niyang pinaandar ang kotse, salubong ang kilay at tahimik.Nilaro laro ko ang kuko ko dahil sa hiya, nakayuko lang ako at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Napasinghot ako, kasabay non ay ang kamay niya na may hawak na panyo. “Labhan mo bago mo ibalik” tipid na sabi nito. Agad kong pinunasan ang luha ko, at maya maya pa ay isininga ko sa panyo ang sipon ko.“Tss… ‘wag mo na palang ibalik, sayo na yan.” saad nito, napatingin ako sakaniya, seryoso parin ang mukha at salubong ang kilay.“Don’t you ever come back there. Ipapakuha ko lahat ng gamit mo bukas na bukas.” “Ano? teka sandali..”“What? don’t tell me babalik ka pa sainyo?” inis na sabi nito at sinamaan ako ng tingin“Tignan mo nalang daanan baka mabangga pa tayo e” saad ko at dumukmo nalang, hindi ko alam kun







