Lalaine POV Nagdaan ang mga araw na maayos ang pagsasama namin—parang mag-asawa, pero hindi tulad ng normal na mag-asawa. Oo, nilalambing niya ako. Hinahalikan at niyayakap. Pero hanggang doon lang palagi. Parang may invisible wall sa pagitan namin, at kahit anong gawin ko, hindi ko ito mabasag. Sanay naman ako sa ganito. Sa mahabang panahon, nabuhay akong walang hinahanap mula sa kahit sinong lalaki. Pero pagdating kay Jeric, parang tinatawag ng buo kong pagkatao ang kanya sa tuwing hinahalikan niya—at hinahalikan ko rin siya. Naghahanap ang katawan ko, ang puso ko, nang higit pa roon. Ngunit sa tuwing nandodoon na kami, bigla siyang titigil at hihingi ng tawad. At ako? Napagod na rin akong umasa. Maghihintay na lang ako kung kailan siya magiging handa. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Bo. Matagal ko na siyang hindi sinasagot, pero sabi naman ni Jeric, malaya akong makipag-usap at makipagkita. Malaya siya, at malaya rin ako. Anong klaseng set-up ito? Dati, hindi niya ako
Read more