Chapter 15Lalaine POVNasa mansyon na kami nina Jeric—napakalaki at napakaganda ng bahay. Papunta na rin si Bo para dalhin ang mga gamit niya rito dahil agad siyang pumayag na tumira kasama nila Jeric, para sa mga anak ko at para sa akin.“Nanay, ang ganda po ng bahay ni Tatay. Parang bahay din po ni Tito Ambo, ’noh?” tuwang-tuwang sabi ni Jelai habang paikot-ikot ang tingin sa paligid.“Siguro po, Nay, kapag sinuot ko yung mga dress na binili sa’kin ni Tita Arianne, magmumukha po akong prinsesa.”Napangiti ako. Nakakatuwang panoorin ang anak ko kapag masaya.“Of course, darling. You’re so beautiful.”Napatingin kami sa nagsalita—si Arianne pala.Napakaamo ng mukha niya, at ramdam mo agad ang kabaitan niya.“Gusto mo bang gawin kitang model para sa kids’ collection namin?”“Talaga po?!” halos tumalon sa tuwa si Jelai.“Gusto ko po ’yan!”Ngunit bigla siyang umangat sa lupa—binuhat pala siya ni Jeric.“You’re too excited, my princess,” nakangiting sabi ni Jeric.“Siguradong sold out a
อ่านเพิ่มเติม