HER POV Nagmadali siyang naglinis ng sarili at nagpalit ng damit pangtulog. Sasampa na sana siya sa kama ng biglang may kumatok sa labas ng pinto at agad ding bumukas. Iniluwa doon ang matanda nilang kasambahay na may dala- dalang isang basong gatas. “Hija, magandang gabi sa iyo, pinagtimpla kita ng gatas, inumin mo habang mainit init pa," nakangiting sabi at abot sa kanya ni Manang Meding. "Salamat po Manang!," isang ngiti din ang kanyang iginanti. “Siyanga pala, Miss Clarisse tumawag kanina si Madam Florinda, nangungumusta sa iyo! Nagpalit ka ba daw ng numero kasi hindi ka na daw niya makontak?," saad pa nito. "Himala at kinukumusta ako, ano hong sabi n'yo Manang?," ganti niya rin. "Sinabi ko lang na magaling ka na, nakarating kasi sa kanya na ospital ka daw dahil sa mababa ang hemoglobin mo," sabi pa ng matandang kasambahay. "Mabuti naman kung ganoon Manang, huwag na natin siya pag-alalahanin Manang, kaya ko naman ang sarili ko, matanda na ho ako!," giit niya. "Oo n
Last Updated : 2026-05-11 Read more