登入"Miss... Miss Clarisde, gising ka na ba? May bisita po kayo Miss!," malakas na katok ni Gigi sa labas ng pinto ng kanyang silid. "Oo lalabas na!," agad niyang sagot dahil pihadong hindi titigil sa kakatok ang batang kasambahay nila kung hindi siya sasagot. "Sige Miss, sasabihin kong bababa ka na!," tugon nito at biglang tumahimik. Nagpakawala siya ng buntong hininga at tumikhim. Sino naman kaya ang bibisita sa kanya? Wala naman siyang kaibigan sa Pilipinas sa nakalipas na pitong taon. Hindi naman pupunta dito ang kanyang sekretarya at si Atty. Mendez dahil alam ng mga ito nakaleave siya sa trabaho at isa pa kung may kailangan ang mga ito ay tatawag muna ito sa kanya. Wala siyang ganang lumabas ngunit pinilit na lamang niya ang kanyang sariling maligo at gumayak. Alangan namang ganito ang ayos niya na haharapin ang kanyang bisita. Buti na lang ay may hot shower sa banyo niya kaya hindi siya nalamigan at nag-alangan magbabad sa shower. Tila naman guminhawa ang pakiramdam n
Her POV Tatlong araw na ang nakalipas mula ng makalabas siya sa ospital. Lumiban muna siya sa kumpanya ng dalawang linggo upang magpahinga at magpalakas. Naintindihan naman siya ni Atty. Mendez sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi niya sinabi ang totoo na buntis siya. Wala siyang planong ipaalam kaninuman ang sitwasyon niya dahil alam niyang makakarating agad sa kanyang mommy Florinda at Chris ang balita. Kahit pa alam niyang walang pakialam sa kanya ang kanyang ina at pati si Chris ay sigurado naman siyang hindi palalampasin ng mga alipores ng mga ito na isumbong sa mga ito ang pagbubuntis niya. Hindi puwedeng malaman ni Chris na buntis siya. Lalo lang itong magdududa na siya ang ama ang dinadala niya dahil wala naman siyang ibang lalakeng karelasyon o nasiping sa nagdaang mga buwan. Tanging kay Chris nagpakatanga at nagpatangay ng kanyang kapusukan. Walang gabi na hindi siya umiiyak sa kagagahan na kanyang naggawa kaya ngayon ay siya rin mismo ang nagdurusa sa naging resulta
"Sigurado ka Miss. Paano ka dito? Bakit ka nga ba nawalan ng malay? At bakit ka dinugo?," inosenteng sabi ng matandang dalaga niyang sekretarya. "Ganito lang talaga ako kapag datnan ng buwanang dalaw, malakas magbleeding kaya't nahihimatay. Baka sa sobrang stress lang din Dora. Alam mo naman na nangangapa pa ako sa bago kong posisyon sa kumpanya," paliwanag niya pa. "Siguro nga Miss Clarisse. Sige Miss. Tutuloy na ako. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Ito nga pala ang handbag mo binitbit ko na, ring ng ring kasi iyan pagkapasok ko sa opisina kanina at nadatnan kitang wala ng malay," sabi pa nito. "Sige Dora. Magpapahinga na ako.Salamat talaga," pinal niyang sabi at tumagilid na patalikod sa sekretarya niya dahil hindi na talaga siya makapagtimpinf hindi maiyak. Katahimikan ang bumalot sa loob ng silid. Napahagulhol siya sa labis na pighati. She feels alone. Walang pamilya. Iniwan at walang nagmamahal. At lalo lalong na kinalimutan na siya ng lalakeng nagparamdam sa k
HER POV "Miss Clarisse, salamat at gising ka na! Sobrang nag-alala ako sa iyo ng makita kitang dinugo at nawalan ng malay sa opisina mo," turan pa ni Rhodora, sekretarya niya sa harapan niya. Habol habol ang hininga niyang nauligan ang boses ng maibuka niya ang kanyang mga mata. Mabuti na lang ay pananginip lang pala ang lahat at hindi totoong nadisgrasya siya sa daan habang nagmamaneho. Napapikit siya muli sa kanyang mga mata bago idinilat muli at sinimulang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit biglang bumura ang kanyang lalamunan kaya't napaubo siya. Bigla namang lumapit sa kanya ang kanyang sekretarya at sinikap siyang pagdulutan ng tulong ngunit sumenyas siya na okay lang siya. Sinikap niyang bumangon ngunit bigla siyang nataranta ng mapag-alamang may suhero siya sa kanyang kanang kamay. Agad siyang napabalikwas at napalinga- linga sa paligid niya. Doon niya lang napansin na nasa estrangerong silid siya at nakumpirma nga niya na nasa isa siyang silid ng ospital
It is over between them. End with the wild nights they passionately shared with each other. Ang mapupusok na halik at nagbabagang init ng katawan ni Chris sa kanya ay kailanman ay hindi niya na madarama muli. Ang lahat pala ng pinagsaluhan nila ni Chris ay dala lang ng init ng katawan nito at ng pagnanasang hindi makuha nito kay Florinda dahil palagi itong wala. She was scammed by the false touches and kisses of Chris. "Bakit mo ito naggawa sa akin Chris? Bakit? Napakasama mo, napakasama mo!," she cursed with all her might at walang makakapigil sa kanya na ilabas lahat ng inis at galit niya. Pinagtatapon at inihagis niya ang lahat ng makita niya sa loob ng opisina niya. Hanggang sa wala na siyang maibato pa. Everything surrounds her shattered just like her torn heart. Nang mahimasmasan ay nilinga niya ang buong paligid ng opisina niya na tila binagyo sa nagkalat at basag na mga muwebles at kagamitan. She pick up her hang bag at nagmadaling lumabas ng silid niya. She was lo
Her POV "Ang sakit sakit, Chris, bakit mo ito ginawa sa akin, ginamit mo lang ako at pinaasa, tapos hindi mo pala kaya akong panindigan,huhuhu," napahagulhol siya sa labis na sakit na nadarama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kadaling bitiwan siya ni Chris. Pagkatapos ng lahat ng kanilang ligaya at sarap na pinagsamahan at pinagsaluhan ay para na lang siyang walang silbi dito. She felt so used and abused. Mula noon lage na lang siyang inaayawan ni Chris. Akala niya ngayon totoo na itong umiibig sa kanya. Dama niya ang bawat haplos at halik nito sa kanya ng may halong pagsamba at pagmamahal. Iyon pala ay nagpakatanga na naman siya sa pag-ibig at sa isang lalake pa rin. Dati ay nagpakababa na siya ng alok ng kanyang sarili kay Mr. President pero nungka itong pumatol sa kanya. Ngayon, pumatol at nahumaling na nga sa kanya si Chris pero hindi pa rin niya ito maangkin ng tuluyan. Ibinigay niya na ang lahat at wala na tinira para sa kanyang sarili. Pati ang saril







