"Of course hija, your mom cares about us, really cares!" ang tanging nasabi ng kanyang ama. "Dad, bakit pinagtatakpan mo palagi si mommy, siya itong wala parati sa tabi natin, siya pa ba ang nag-aalala sa lagay natin,dad, enough of being a martyr husband!" sabi niya sa ama niya. "Hija, your mother is doing her best for the good of our family, believe me, when I say that everything is fine between us, our family is okay so don't stress yourself, concentrate on your studies, hija, okay?" mungkahi pa ng daddy niya na hinawakan pa ang kanyang kamay na nanginginig sa inis at hindi man lang nagpaalam na tumayo sa hapag at umalis sa kanyang harapan. "Dad, where are you going? hindi ka pa tapos mag-almusal," sambit niya sa daddy niya na humakbang na patalikod sa kanya. "I have to go, I need to catch up for a business meeting by 8 a.m. today, mahuhuli na ako, hija, just take care of yourself," saad pa ng ama na lumingon na sa kanya. "Okay, but you have forgotten something daddy," pagl
Terakhir Diperbarui : 2026-04-01 Baca selengkapnya