Kinabukasan, ang sinag ng araw ay tila hindi sapat upang tunawin ang malamig na tensyon na bumabalot sa buong siyudad ng Maynila. Pormal nang nakaupo bilang Chairwoman si Dr. Tala Castelo, at ang una niyang opisyal na gawain ay bisitahin ang pinakamalaking *medical facility* na pinopondohan ng Castelo Empire sa Quezon City.Sa loob ng marangyang *penthouse*, tahimik na naghahanda ang dalawa. Nakasuot si Tala ng isang eleganteng *emerald green midi dress*, na bumabagay sa kanyang makinis at porselanang balat. Ang gintong kwintas ng mga Castelo ay kumikinang sa kanyang dibdib.Sa di kalayuan, nakatayo si Zaymon. Ang dating Heneral ay nakasuot ng kanyang pamilyar na *pitch-black suit*, ngunit sa ilalim ng mamahaling *blazer* nito ay nakakabit ang isang *shoulder holster* na naglalaman ng dalawang *SIG Sauer handguns*. Tahimik niyang kinakasa ang mga baril, ang kanyang mga singkit na mata ay siksik sa matinding pag-iingat."Zaymon," malambing na tawag ni Tala, lumapit sa dambuhalang lalak
Read more