Ngayon, kapag may nagbabanggit niyon sa kaniya, para siyang nasa malamig na kuweba. Napalingon si Leah ng tawagin siya ng isang katulong na hindi namalayan na nakaakyat pala.“Ma’am Lea bakit kayo nandito? Magpahinga na kayo.”Kinalma ni Lea ang sarili, pinunasan ang luha na naglandas sa kaniyang mga mata.“Ihahatid ko lang ito kay Lola Esmeralda,” tugon ni Lea. Pumasok siya sa loob dahilan para matigil sa pag-uusap ang mag-lola. Napatingin sa kaniya si Esmeralda.“Kanina ka pa diyan, Lea?” kinakabahan na tanong ng matanda. Umiling naman si Lea.“Hindi po lola, kararating ko lang.”Naglakad na palapit si Leah kay Esmeralde. Napatingin naman ang matanda kay Milo at tinaasan ng kilay. Kaso hindi ‘yon umubra sa lalaki. Tumingin lamang si Milo kay Leah bago lumabas ng silid.Nang makatulog si Esmeralde, chineck ni leah ang temperature ng matanda kung bumaba na ba ang lagnat nito bago lumabas ng silid. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi na gaanong mainit ang matan
最終更新日 : 2026-02-26 続きを読む