로그인Umakyat siya sa itaas at napadaan sa master bedroom kaso wala ‘yong mga gamit roon ni Lea. Marahil sa tabing kuwarto matutulog ang dalaga. Sino ba naman ang mag-aakala na sa loob ng tatlong taon, si Lea na asawa ni Milo na isang presidente ay magkahiwalay ng silid sa pagtulog?
Samantala, sa banyo kung saan natayo si Lea, maaamoy ang masangsang na amoy dahil sa dugo ng dalaga na bumalot sa katawan at damit nito. Pinagmasdan ng dalaga ang kaniyang sarili sa salamin, nanginginig ang kaniyang labi dahil sa ginaw na tiniis niya sa labas ng police station. Pinilit niyang punitin ang kaniyang manipis na damit kahit may sugat ang kaniyang kamay tsaka itinapon sa basurahan. Dahil nagamit niya ang buong lakas, bumagsak siya sa sahig. Mabuti na lang at nabalanse niya ang sarili kaya ang puwet niya ang tumama sa tiles. “Bakit nangyari sa ‘kin ‘to?” tanong ni Lea sa sarili. Hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata hanggang sa tuluyan na siyang naiyak. Niyakap niya ang kaniyang tuhod at tahimik na umiyak. Malakas siya sa harap ng mga tao pero kapag mag-isa na lamang niya, doon na niya tinatanggal ang maskara na lagi niyang isinusuot. Sa labas naman, naroon si Maria, nakadikit ang taenga sa pinto pero wala siyang narinig kundi lagaslas lamang ng tubig mula sa shower. Pagkatapos niyang mag-shower, nadatnan niya ang katulong na nasa labas ng kaniyang silid. “Gusto mo ako ang gumamot ng mga sugat mo, anak?” tanong ni Maria habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Awa ang makikita sa mukha ng ginang. Umiling si Lea. “Hindi na kailangan, ‘nay. Ako na po ang bahala. Magpahinga na po kayo,” nakangiting tugon ni Lea. Pagkaalis ng ginang, pumasok na siya sa loob ng silid at naupo sa sofa. Nilagyan niya ng gamot ang bawat sugat. Napapapikit siya sa bawat dampi ng bulak sa kaniyang mga sugat. Nang matapos, nilagyan niya iyon ng gauze pad. Nagbihis siya at nahiga sa kama. Ipinikit ni Lea ang mga mata para makapagpahinga pero sumagi sa isip niya ang mga lalaki na binugbog siya kahit nagmamakaawa na pakawalan siya. Napabalikwas siya ng bangon. Napangiwi siya ng maramdaman ang pananakit ng kaniyang katawan. Isa lang ang solusyon, ang gumamit ng sleeping pill. “Ayaw ko mang gumamit pero kailangan.” Binuksan niya ang drawer at kinuha sa pinakadulo ang isang bote ng sleeping pill. Kumuha siya ng isang capsule at diretsong nilunok kahit walang tubig na pantulak. Muli, nahiga si Lea at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang, nakatulog na siya. Ngunit habang natutulog, biglang nagsalubong ang kilay ni Lea, puno rin ng pawis ang kaniyang noo, ang kaniyang mga kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa kumot. Nanginginig ang mga ‘yon habang namumuti na ang kaniyang kamao dahil sa higpit ng hawak. “Tulong.. Tulungan ninyo ako,” pagmamakaawa ni Lea. Tumutulo na rin ang luha sa kaniyang mga mata. Pabiling-biling siya sa higaan hanggang sa sumigaw na siya ng malakas dahilan para magising si Maria. Nagmamadaling lumabas ng silid ang ginang at tinungo ang kuwarto ni Lea dala ang spare key. “Tulong! Tulungan ninyo ako!” sigaw ulit ni Lea. “Anak, hintayin mo ako. Papasok na ako!” natatarantang sabi ni Maria habang nanginginig ang mga kamay na ipinapasok ang susi sa doorknob keyhole. Nang mabuksan ‘yon, patakbong lumapit ang ginang sa kama ni Lea at niyugyog ang dalaga. “Gising Lea, gising! Nananaginip ka!” pasigaw na sabi ni Maria. Mabilis na napabalikwas ng bangon si Lea habang hingal na hingal. Hinagod-hagod ni Maria ang likod ng dalaga. “Ayos ka lang, anak? Napanaginipan mo ba ang mga nangyari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Maria. Tumingin si Lea sa ginang at niyakap ito. Niyakap din siya nito pabalik. “Magiging maayos din ang lahat, anak. Mas mabuti na dito muna siguro ako para mabantayan ka.” Kahit papaano ay kumalma na si Lea. Nagpaalam si Maria na bababa para kumuha ng tubig. Nang bumalik, inabot ‘yon ng dalaga at ininom. “Matulog ka na, Lea. Para makapagpahinga ka. Huwag kang mag-alala babantayan kita.” Napangiti si Lea at nagpasalamat sa ginang. Ipinikit niya ang mga mata. Sa kabutihang-palad, nakatulog siya. Hindi namalayan ni Lea na isang araw pala siyang tulog. Paggising siya ay kumalam ang kaniyang sikmura. Pinagmasdan niya ang kaniyang mukha sa salamin na nasa gilid ng silid. Napahawak siya roon. “Kahit papaano ay hindi na masyadong masakit ang aking katawan. Bumangon siya at bumaba ng kama. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa gilid kaya hindi siya natumba. Muli, bumalik sa ala-ala ni Lea ang mga nangyari. Mabuti na lang at may dumaang lalaki sa madilim na iskinita na ‘yon kung saan ginulpi siya. Natawa siya ng mahina. “Wala talagang pinipili ang mga tao kahit babae pa ang saktan nila basta para sa sariling kapakanan.” Nakatawag ng pulis ang lalaki. Tinulungan siya nito. May alam rin kasi ang lalaki sa self-defense kaya naipagtanggol siya. Iyon nga lang, nakatakas sila bago dumating ang mga pulis. Napabuntong-hininga si Lea. “Kung hindi dahil sa lalaking ‘yon baka nakaburol na ako ngayon,” natatawa niyang sabi. Binigyan siya ng ilang araw na pahinga si Chief Leandro. Lumabas si Leah ng silid. Napatingin siya sa master bedroom na nakabukas. Sumilip siya sa loob. Sumagi sa isip niya ang dating asawa. Napailing na lamang siya at nagtungo sa kusina.Ngayon, kapag may nagbabanggit niyon sa kaniya, para siyang nasa malamig na kuweba. Napalingon si Leah ng tawagin siya ng isang katulong na hindi namalayan na nakaakyat pala.“Ma’am Lea bakit kayo nandito? Magpahinga na kayo.”Kinalma ni Lea ang sarili, pinunasan ang luha na naglandas sa kaniyang mga mata.“Ihahatid ko lang ito kay Lola Esmeralda,” tugon ni Lea. Pumasok siya sa loob dahilan para matigil sa pag-uusap ang mag-lola. Napatingin sa kaniya si Esmeralda.“Kanina ka pa diyan, Lea?” kinakabahan na tanong ng matanda. Umiling naman si Lea.“Hindi po lola, kararating ko lang.”Naglakad na palapit si Leah kay Esmeralde. Napatingin naman ang matanda kay Milo at tinaasan ng kilay. Kaso hindi ‘yon umubra sa lalaki. Tumingin lamang si Milo kay Leah bago lumabas ng silid.Nang makatulog si Esmeralde, chineck ni leah ang temperature ng matanda kung bumaba na ba ang lagnat nito bago lumabas ng silid. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi na gaanong mainit ang matan
Nanikip ang dibdib ni Lea dahil sa pagsasawalang-bahala ng lalaki sa kaniyang mga sugat. Mabuti na lang at mabisa ‘yong ointment na inilagay niya kagabi at marahil naglagay pa ulit si Maria habang tulog siya magdamag. Kaya hindi na gaano halata ang mga ‘yon.“Natisod ako sa trabaho at napasubsob kaya nagkaroon ako ng galos,” pagsisinungaling niya. Para saan pa para sabihin ang totoo? Hindi rin naman gagawa ng aksiyon si Milo para mahuli ang may gawa niyon sa kaniya. Mas importante rito ang negosyo. Natawa na lamang si Milo sa paliwanag niya. Idinikit nito ang daliri sa kaniyang labi.“Are you still young, Lea? Dapat maging present mind ka. It’s your work anyway. Let’s go.”Pumasok na sila sa loob ng sasakyan. Naramdaman niya ang malamig na hangin na galing sa aircon. Pinausad na ng driver ang sasakyan patungo sa mansiyon ng Pamilya Sandoval. Inilabas ng lalaki ang laptop para gawin ang mga trabaho nito.“Nagpunta ka ba sa study room?” kaswal na tanong ni Milo sa kaniya. Muli, nanik
Nadatnan ni Lea na naglalaga ng itlog si Maria. Binati niya ang ginang at niyakap sa likuran. “Nay, salamat sa pag-aasikaso sa ‘kin kagabi ha? Kundi dahil sa inyo wala akong matinong tulog ngayon o baka ano na ang nangyari sa ‘kin,” paglalambing ni Lea sabay yakap ng mahigpit sa ginang. Humarap ito matapos patayin ang stove. Hinawakan nito ng marahan ang pisngi niya para hindi siya masaktan.“Anak, hindi ka na iba sa ‘kin. Hindi man nailuwa pero anak ang turing ko sa ‘yo. Mula pagkabata ako na nag-alaga sa ‘yo. Kaya masaya ako kapag nagtitiwala ka sa ‘kin. Walang ibang magdadamayan kundi tayo lang din,” nakangiting tugon ni Maria. Kumalas na siya sa pagkakayakap rito. Kumuha ng mangkok ang ginang at naglagay roon ng dalawang nilagang itlog tsaka ibinigay sa kaniya.“Idampi-dampi mo sa sugat mo ‘yan para kahit papaano ay mawala ang sakit at mabilis maghilom.”Kinuha ‘yon ni Lea at naupo sa silya. Tinanggal niya ang shell niyon at bahagyang dinampi-dampi sa kaniyang mukha. Kinuha niya
Umakyat siya sa itaas at napadaan sa master bedroom kaso wala ‘yong mga gamit roon ni Lea. Marahil sa tabing kuwarto matutulog ang dalaga. Sino ba naman ang mag-aakala na sa loob ng tatlong taon, si Lea na asawa ni Milo na isang presidente ay magkahiwalay ng silid sa pagtulog?Samantala, sa banyo kung saan natayo si Lea, maaamoy ang masangsang na amoy dahil sa dugo ng dalaga na bumalot sa katawan at damit nito. Pinagmasdan ng dalaga ang kaniyang sarili sa salamin, nanginginig ang kaniyang labi dahil sa ginaw na tiniis niya sa labas ng police station. Pinilit niyang punitin ang kaniyang manipis na damit kahit may sugat ang kaniyang kamay tsaka itinapon sa basurahan. Dahil nagamit niya ang buong lakas, bumagsak siya sa sahig. Mabuti na lang at nabalanse niya ang sarili kaya ang puwet niya ang tumama sa tiles.“Bakit nangyari sa ‘kin ‘to?” tanong ni Lea sa sarili. Hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata hanggang sa tuluyan na siyang naiyak. Niyakap niya ang kaniyang tuhod at ta
Dis oras na ng gabi ng lumabas si Lea ng police station. Umuulan sa labas. Napapatingin ang mga dumadaan sa babae dahil sa mga galos niya sa mukha. Magulong buhok at pilay na paa. Hindi ‘yon pinansin ni Lea ang mga bulungan ng mga tao kasabay ng pagturo sa kaniya. Ibinaba niya ang tingin sa kaniyang sirang cellphone. Basag-basag na ang screen niyon. Sinubukan ni Lea na mag-dial gamit ang kaniyang dumugugong daliri.“The number you have dial is either unattended or out of coverage area please try your call later.”Iyon ang sabi ng kaniyang cellphone. Hindi niya talaga maaasahan ang taong malapit sa kaniya ngayong nagigipit siya. Kanina habang ginugulpi siya, dinial niya ang numero nito pero ganoon pa rin. Napapikit siya ng tumama sa kaniyang mukha ang ulan dahil sa malakas na hangin. Pumikit-pikit siya para makita ang harap. Muli idinial ni Lea ang numero ng kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag ng sagutin ‘yon ng nasa kabilang linya.“Hello, may problema ba?” tanong ng lalaki na may m







