로그인Ngayon, kapag may nagbabanggit niyon sa kaniya, para siyang nasa malamig na kuweba. Napalingon si Leah ng tawagin siya ng isang katulong na hindi namalayan na nakaakyat pala.“Ma’am Lea bakit kayo nandito? Magpahinga na kayo.”Kinalma ni Lea ang sarili, pinunasan ang luha na naglandas sa kaniyang mga mata.“Ihahatid ko lang ito kay Lola Esmeralda,” tugon ni Lea. Pumasok siya sa loob dahilan para matigil sa pag-uusap ang mag-lola. Napatingin sa kaniya si Esmeralda.“Kanina ka pa diyan, Lea?” kinakabahan na tanong ng matanda. Umiling naman si Lea.“Hindi po lola, kararating ko lang.”Naglakad na palapit si Leah kay Esmeralde. Napatingin naman ang matanda kay Milo at tinaasan ng kilay. Kaso hindi ‘yon umubra sa lalaki. Tumingin lamang si Milo kay Leah bago lumabas ng silid.Nang makatulog si Esmeralde, chineck ni leah ang temperature ng matanda kung bumaba na ba ang lagnat nito bago lumabas ng silid. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi na gaanong mainit ang matan
Nanikip ang dibdib ni Lea dahil sa pagsasawalang-bahala ng lalaki sa kaniyang mga sugat. Mabuti na lang at mabisa ‘yong ointment na inilagay niya kagabi at marahil naglagay pa ulit si Maria habang tulog siya magdamag. Kaya hindi na gaano halata ang mga ‘yon.“Natisod ako sa trabaho at napasubsob kaya nagkaroon ako ng galos,” pagsisinungaling niya. Para saan pa para sabihin ang totoo? Hindi rin naman gagawa ng aksiyon si Milo para mahuli ang may gawa niyon sa kaniya. Mas importante rito ang negosyo. Natawa na lamang si Milo sa paliwanag niya. Idinikit nito ang daliri sa kaniyang labi.“Are you still young, Lea? Dapat maging present mind ka. It’s your work anyway. Let’s go.”Pumasok na sila sa loob ng sasakyan. Naramdaman niya ang malamig na hangin na galing sa aircon. Pinausad na ng driver ang sasakyan patungo sa mansiyon ng Pamilya Sandoval. Inilabas ng lalaki ang laptop para gawin ang mga trabaho nito.“Nagpunta ka ba sa study room?” kaswal na tanong ni Milo sa kaniya. Muli, nanik
Nadatnan ni Lea na naglalaga ng itlog si Maria. Binati niya ang ginang at niyakap sa likuran. “Nay, salamat sa pag-aasikaso sa ‘kin kagabi ha? Kundi dahil sa inyo wala akong matinong tulog ngayon o baka ano na ang nangyari sa ‘kin,” paglalambing ni Lea sabay yakap ng mahigpit sa ginang. Humarap ito matapos patayin ang stove. Hinawakan nito ng marahan ang pisngi niya para hindi siya masaktan.“Anak, hindi ka na iba sa ‘kin. Hindi man nailuwa pero anak ang turing ko sa ‘yo. Mula pagkabata ako na nag-alaga sa ‘yo. Kaya masaya ako kapag nagtitiwala ka sa ‘kin. Walang ibang magdadamayan kundi tayo lang din,” nakangiting tugon ni Maria. Kumalas na siya sa pagkakayakap rito. Kumuha ng mangkok ang ginang at naglagay roon ng dalawang nilagang itlog tsaka ibinigay sa kaniya.“Idampi-dampi mo sa sugat mo ‘yan para kahit papaano ay mawala ang sakit at mabilis maghilom.”Kinuha ‘yon ni Lea at naupo sa silya. Tinanggal niya ang shell niyon at bahagyang dinampi-dampi sa kaniyang mukha. Kinuha niya
Umakyat siya sa itaas at napadaan sa master bedroom kaso wala ‘yong mga gamit roon ni Lea. Marahil sa tabing kuwarto matutulog ang dalaga. Sino ba naman ang mag-aakala na sa loob ng tatlong taon, si Lea na asawa ni Milo na isang presidente ay magkahiwalay ng silid sa pagtulog?Samantala, sa banyo kung saan natayo si Lea, maaamoy ang masangsang na amoy dahil sa dugo ng dalaga na bumalot sa katawan at damit nito. Pinagmasdan ng dalaga ang kaniyang sarili sa salamin, nanginginig ang kaniyang labi dahil sa ginaw na tiniis niya sa labas ng police station. Pinilit niyang punitin ang kaniyang manipis na damit kahit may sugat ang kaniyang kamay tsaka itinapon sa basurahan. Dahil nagamit niya ang buong lakas, bumagsak siya sa sahig. Mabuti na lang at nabalanse niya ang sarili kaya ang puwet niya ang tumama sa tiles.“Bakit nangyari sa ‘kin ‘to?” tanong ni Lea sa sarili. Hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata hanggang sa tuluyan na siyang naiyak. Niyakap niya ang kaniyang tuhod at ta
Dis oras na ng gabi ng lumabas si Lea ng police station. Umuulan sa labas. Napapatingin ang mga dumadaan sa babae dahil sa mga galos niya sa mukha. Magulong buhok at pilay na paa. Hindi ‘yon pinansin ni Lea ang mga bulungan ng mga tao kasabay ng pagturo sa kaniya. Ibinaba niya ang tingin sa kaniyang sirang cellphone. Basag-basag na ang screen niyon. Sinubukan ni Lea na mag-dial gamit ang kaniyang dumugugong daliri.“The number you have dial is either unattended or out of coverage area please try your call later.”Iyon ang sabi ng kaniyang cellphone. Hindi niya talaga maaasahan ang taong malapit sa kaniya ngayong nagigipit siya. Kanina habang ginugulpi siya, dinial niya ang numero nito pero ganoon pa rin. Napapikit siya ng tumama sa kaniyang mukha ang ulan dahil sa malakas na hangin. Pumikit-pikit siya para makita ang harap. Muli idinial ni Lea ang numero ng kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag ng sagutin ‘yon ng nasa kabilang linya.“Hello, may problema ba?” tanong ng lalaki na may m







