AMARA’S POVNauna kaming hinatid sa apartment namin. Dahil kasama namin si Diana, dito na rin dinala ang mga gamit niya. Hassle kasi kung uuwi pa siya sa condo niya, saka ang bilin sa kanya ni Laxus ay bantayan at samahan ako para mamili ng damit mamaya.I guess my safety is now a top-tier priority sa security protocol ni Laxus.“I’ll see you later, mi cara,” saad ni Laxus nang makababa kami.Bago pa ako makasagot, hinalikan na niya ako sa labi. Mabilis lang iyon—isang dampi na puno ng pangako—pero sapat na para mag-overheat ang system ko at mamula ako sa harap ng lahat.“Sana all!” hirit ni Hershey sa likod ko, hindi talaga papahuli sa panunukso.“Magsa-sana all pa, eh nandiyan naman si insan para saluhin ka, Hersh,” sabat ni Liander na bumaba pala ng sasakyan. Tumatawa niyang inakbayan ang pinsang si Unique na kanina pa tahimik na naghihintay sa amin.“Shut the fuck up, dude!” asik ni Unique sabay waksi sa braso ni Liander.“Tsk! Iyang refrigerator na iyan magugustuhan ko? Ew, no!”
Baca selengkapnya