AMARA’S POV“Ano ba talaga ang nangyayari, bes?” Hindi na napigilan ni Hershey ang magtanong nang tuluyan na kaming makalayo sa mansyon.Nakaupo ako sa front seat, mahigpit na nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang ulo sa headrest. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot na mahuli ni Laxus, kundi dahil sa kaba sa kung ano ang kumpirmasyong naghihintay sa akin.“I mean, gets ko naman 'yung nangyari sa'yo noong nakaraan pero... why the sudden escape? Bakit kailangang patago?” dagdag pa ni Hershey, bakas ang kalituhan sa boses niya.“Take me to the nearest hospital, bes. Gusto kong magpa-check up,” direkta kong sagot nang hindi man lang iminumulat ang aking mga mata.“Check up?” gulat niyang ulit. “Wait, may masakit ba sa'yo? Do you feel ill?”“Basta sundin mo na lang ako,” mariin kong ani. Ramdam ko ang unti-unting pagkairita sa dami ng tanong niya. My hormones were all over the place, at hindi nakakat
Baca selengkapnya