Chapter 51: The Ghosts of the PastAng paghinga ko ay literal na huminto. Ang nakakabinging katahimikan sa loob ng control room ay tila isang mabigat na kadena na pumulupot sa aking leeg. Nakatitig ako sa lalaking nakatayo sa labas ng aming kulungan.Anton.Ang una kong asawa. Ang lalaking sumira sa pagkatao ko ang nambugbog sa akin at ang taong inakala kong matagal nang patay ay nakatayo ngayon sa mismong harapan ko. Nakasuot siya ng isang mamahaling itim na suit ang kanyang buhok ay perpektong nakasuklay at ang kanyang mukha ay mayabang na nakangiti. Parang walang nangyari. Parang hindi siya naging dahilan ng pinakamalaking bangungot ng buhay ko."Namiss kita mahal ko" pag uulit ni Anton ang kanyang boses ay puno ng nakakasulasok na kayabangan.Lumingon si Anton kay Arthur Sterling na tahimik na nanonood mula sa likod ng bulletproof glass. "Maraming salamat po sa pagligtas sa akin Mister Sterling. Isa itong napakalaking karangalan na paglingkuran kayo at makitang nakaluhod ang
Read more