Chapter 31: The Vault of SecretsAng malamig na hangin ay humampas sa aking mukha nang marahas na ibaling ng piloto ang direksyon ng aming helicopter. Pabalik sa Feldway Main Tower. Pabalik sa sarili naming kaharian na ngayon ay nilusob ng mga kalaban."Bumalik tayo ngayon din" dumadagundong na utos ni Heinrich sa kanyang communication headset. Ang kanyang boses ay nangingibabaw sa ingay ng makina. "I want the remaining tactical units to flank the perimeter. Block every single road. Walang makakalabas nang buhay sa building na iyan."Nanginginig ang aking mga kamay pero pinilit kong maging matapang. Ipinatong ko ang palad ko sa aking tiyan. I am carrying the absolute heir of this empire. Hindi ako pwedeng maging mahina. Hindi ako pwedeng umiyak na lang sa gilid habang kinukuha ng dalawang ahas ang lahat ng pinaghirapan ng asawa ko."Victoria is out of jail" malamig kong anunsyo pilit na kinakalma ang aking sarili. "Ginamit ni Maxima ang impluwensya at pera niya para bilhin ang mga
Read more