𝘓𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘢 𝘴𝘪𝘮𝘱𝘭𝘦 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘈𝘵𝘳𝘦𝘶𝘴“Anak naman,” jusko hapong-hapo na ako kakatakbo sa pasaway kong anak. Gusto niya pang hinahabol ko siya para mabihisan. Tatanda ako ng maaga sa anak kong pasaway eh. “Atreus,” tawag ko sa anak ko.“Mama, habol mo Atreus,” sabi pa niya saka tumakbok. Wala naman akong nagawa kundi ang habulin siya. Mabuti na lang at hindi pa siya gano’n kabilis kaya naabutan ko na siya this time. Kanina ko pa kasi siya hinahabol dahil ayaw niyang magpa suot ng damit. Big boy na raw siya kaya keribels niya na raw iyon mag-isa. Kinintalan ko ng halik ang noo at pisngi ng anak ko pagkatapos ko siyang mabihisan. “You’re so pasaway na anak,”Nginisihan niya lang ako ng nakakaloko. Siguro ganito ang hitsura ng ama niya kapag nakangisi. “Mama, big boy na po ako. Ako na magbibihis sa sarili ko,” kapagkuwan ay bumusangot siya. Ayaw na ayaw niya kasing bini baby ko siya o kahit na sino pa sa pamilya namin. Palagi niyang sinasabi na big boy na raw
Ler mais