𝗦𝗣𝗚 𝗮𝗵𝗲𝗮𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗼𝘄𝗻 𝗿𝗶𝘀𝗸. ‼️𝘚𝘢𝘳𝘪-𝘴𝘢𝘳𝘪 𝘚𝘵𝘰𝘳𝘦Mabuti na lang at walang pasok ngayon si Atreus. Pinilit ko na lumipat si Alexander sa kwarto niya para hindi magtaka ang bata kung bakit na sa kwarto ko ang daddy niya. Isa pa iyong si Alexander, humirit pa kanina bago lumipat. Ngayon, ang sakit-sakit tuloy ng katawan ko lalo na ’yong kiffy ko. Paika-ika ako sa paglalakad habang naghahanda ng almusal. “Mama, okay lang kayo?” tanong ni Atreus. Napatingin ako kaniya tapos sa daddy niya na ang lapad ng ngisi. Inirapan ko lang siya. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Letche! Kung hindi dahil sa kaniya hindi ako magkakaganito eh. Kung makahirit kasi akala mo kagabi lang nakatikim ng s*x eh. If I know noong lumipas na mga tao marami ’yan siyang babae, imposibleng wala. “Ha? Oo anak, nag cramps lang ang paa ni mama,” ni hindi ako makatingin sa anak ko ng maayos. “Tulungan na kita mama,” pagpi-presinta ng anak ko. “No son, let me help mama na lang.”
Ler mais