THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 20AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MULI NA NAMAN kaming magkakasama ni Emilio sa isang project, at mas matagal pa ang aming pagsasama dahil hanggang 2nd semester ito.“Emilio, can we talk?” tanong ko sa kanya ng makalabas na kami ng aming classroom. Tapos na kasi ang class namin at ngayon ay sinusubukan kong lapitan si Emilio upang kausapin siya tungkol sa project, at syempre… sa ibang bagay rin.“Emilio—”“Aubrielle, hindi ka pa ba uuwi?”Napatigil ako sa aking pagsunod kay Emilio ng marinig ko ang boses ni Mia. Kalalabas niya lang din sa classroom nila. At kita ko ang pagkunot sa kanyang noo habang nakatingin sa akin ng makita niyang sinusundan ko si Emilio sa paglalakad nito.“Uhm, Mia, mauna na lang kayo muna ni Kuya Edgar sa pag-uwi, okay? Kailangan ko muna talagang makausap si Emilio ngayon,” natataranta ko na sabi ngayon sa kanya.Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang naguluhan siya sa aking sinabi.“Huh? Bakit? Brielle, mapapagalitan
Read more