THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 50AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAKALABAS NA ako ng hospital, pero nang dahil sa nangyari ay mas humigpit pa ang securities ko kapag lumalabas ako ng bahay, kaya hindi na ako nakakapunta doon sa bukid ni Emilio upang magkita kaming dalawa. At ngayon din ay mas lalong dumidikit lalo si Sean sa akin kaya nakakaramdam na ako ng inis sa kanya. Kagaya ngayon, gusto ko sanang mapag-isa dito sa cafeteria at hinihintay ko si Mia na pumunta rito, pero bigla na lang umupo si Sean sa harapan ng inuupuan ko.“What do you want, Sean?” malamig ko na sabi sa kanya.Ngumiti siya sa akin at naglagay siya ng milkshake sa aking harapan ngayon na para bang sinasabi niya na akin na iyon. Pero wala akong pakialam sa milkshake niya. Gusto kong tigilan niya ako.“Wala lang, gusto lang kitang samahan. Alam mo naman, delikado ang buhay mo, Aubrielle. Baka may bigla na lang manakit sayo rito—o baka may biglang bumaril kagaya ng nangyari sayo. Ayoko ng mangyari iyon sayo
Read more