Unti-unting lumiwanag ang langit sa labas ng bintana, at ang malamlam na ilaw ng madaling-araw ay dahan-dahang pumasok sa silid. Sa pagitan ng antok at realidad, marahang nagmulat ng mata si Isla.Sa unang sandali, hindi pa niya lubos na naunawaan kung nasaan siya. Ngunit nang maramdaman niya ang init ng katawan na nakapalibot sa kanya, at ang matibay na bisig na tila hindi gumagalaw, bigla siyang natauhan.Nasa mga bisig pa rin siya ni Lucas Alejandro Montenegro.Agad siyang kumilos, bahagyang tinulak ang braso nito, pilit na kumakawala. Ngunit kahit anong gawin niya, tila wala itong epekto, parang bato ang katawan ng lalaki, hindi matinag.Unti-unting umusbong ang inis sa kanyang dibdib. “Mr. Montenegro—” nasabi niya nang hindi sinasadya, ngunit agad siyang natigilan.Isang sandaling katahimikan.Pagkatapos, inayos niya ang sarili, pilit binabalik sa kasalukuyan. “Mr. Montenegro, kailangan kong pumunta sa banyo,” dagdag niya, mas maingat ang tono.Ilang ulit pa niyang tinula
Read More