Ngayon lang narinig ni Isla ang tungkol sa mga nagdadala ng kape kay Lucas. Ngunit kung iisipin, hindi na iyon nakakagulat dahil kahit noon pa man, sanay na siya sa ganitong klaseng atensyon na nakukuha nito.Noong nasa paaralan pa sila, sobrang sikat na ni Lucas. Hindi lang dahil gwapo ito, kundi dahil sa presensya nitong parang laging nasa gitna ng lahat.Sa tuwing naglalaro siya ng basketball, punong-puno ang court ng mga babaeng nanonood. Halos wala nang maupuan, at ang iba pa nga ay nakatayo na lang para masilip siya.At pagkatapos ng laro, bumababa siya. Para hanapin si Isla.Sa sandaling iyon, hindi lang si Lucas ang sentro ng atensyon pati siya.Maging si Isla ay pinagtitinginan ng mga babaeng iyon. Hindi simpleng tingin, kundi may halong inggit, pag-uusisa, at kung minsan, tahimik na inis.Hindi man niya iyon sinasabi noon, ayaw na ayaw niya sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam niya, siya ang target ng lahat ng hindi masabing emosyon.Parang siya ang dahilan kung bakit hin
Read more