The Losers Orbit Ang Ayala Malls Manila Bay ay tila isang dambuhalang barko na nakasadsad sa baybayin, at sa hapon na ito, ito ang sentro ng sansinukob para sa libu-libong fans ng Celestial. Alas-tres ng hapon nang huminto ang isang itim na customized sprinter van sa VIP docking area. Sa labas, ang init ng semento ay nakakapaso, pero sa loob ng sasakyan, ang hangin ay kasing-lamig ng yelo—hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa awra ni Haven.Si Haven, na nakasuot ng fitted na charcoal gray suit at tactical earpiece, ang unang bumaba upang mag-secure ng perimeter. Ang kanyang mga mata sa likod ng kanyang salamin ay tila radar na nag-i-scan sa bawat window pane, bawat sulok ng ceiling, at bawat miyembro ng production crew na nakatayo sa paligid. "Stay seated. 10 seconds," mariing utos niya sa loob ng van gamit ang kanyang clip mic. Ang kanyang boses ay walang emosyon, parang bakal na humahampas sa bato.Nang makumpirmang malinis ang daan, binuksan niya nang malawak ang pinto. "Move no
더 보기