The Titans' ResponseThird-Persons POVAng hangin sa loob ng opisina ni General Basil Fuentebella sa Camp Aguinaldo ay tila semento sa bigat—isang uri ng atmospera na tanging ang mga taong nakaharap na sa kamatayan ang makakatagal. Sa labas, ang sikat ng araw ay walang pakialam sa trahedyang nagaganap sa gitna ng karagatan, ngunit sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon, ang bawat hininga ay puno ng pighati, galit, at tensyong maaaring sumabog sa anumang sandali.Sa dulo ng mahabang mahogany table ay nakaupo si Mr. Sergio Montemayor. Sa kabila ng ilang gabi nang puyat, bakas pa rin ang tikas ng kanyang pangangatawan; ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa ibabaw ng lamesa, ang panga ay naka-set sa matinding determinasyon na tanging isang ama na nawalan ng anak ang makakapagpakita. Sa tabi niya ay ang kanyang asawa, si Phoebe, na ang mga mata ay namumugto na sa kakaiyak.Nasa paligid din ang mga magulang nina Orion, Neptune, Archer, at Rigel—isang koleksyon ng mga busine
더 보기