“Alam ko, 'di ba sinabi mo na sa akin kanina?” tugon ni Norman.“Gusto niya pa ring makipag-hiwalay. Siguradong-sigurado siya,” pabulong at basag ang boses na ulit ni Vincent.Tahimik ang buong opisina sa loob ng ilang segundo. Tanging ang mahinang sipol lang ng aircon at ang amoy ng lumang usok ng sigarilyo ang naghahari sa silid.Mabilis na sumagot si Norman para basagin ang katahimikan, “If she really wants an annulment, then grant it to her. Hindi mo naman kasalanan ito, Vincent. Sinubukan mo nang ayusin, panig mo ang nagpakumbaba, pero siya itong ayaw na. Honestly, this should be a relief for you.”“Relief?” inulit ni Vincent ang salita, tulala at walang buhay ang mga mata.“Yes, a relief,” pagpapatuloy ni Norman, tinitigan ang kaibigan ng diretso. “Hindi mo naman ginusto ang kasal na ito noong una, 'di ba? Naipit ka lang dahil sa sitwasyon kaya na sakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan para pakasalan siya. Limang taon kang nagtiis at nagdusa. Ngayong siya na mismo ang nagmungk
Read More