Habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata, lumingon si Kate at nagtanong, "Nandito ka ba talaga? Ikaw ba 'to... totoo ka bang nandito sa harap ko?"Hindi naintindihan ng labimpitong taong gulang na si Vincent ang malalim at masakit na kahulugan sa likod ng mga tanong na iyon. Nag-aalangan itong sumagot, "Oo, nandito ako."Pagkatapos, nang makita ang hitsura nitong mugto ang mga mata sa kaiiyak, kumuha ito ng tissue para punasan ang mga luha sa pisngi ni Kate habang pinapahinahon ang boses, "Matagal na akong nandito, hinding-hindi ako umalis. Ikaw ang kusang lumayo at umiwas sa akin."Dahan-dahang umiling si Kate. Hindi ito ang sagot na gusto niyang marinig, at unti-unti na siyang nawawalan ng direksyon sa kung alin ang reyalidad."Vincent, hindi ko na alam kung alin ang totoo..." pabulong na sambit ni Kate habang nanginginig ang boses."Sabihin mo sa akin kung anong sagot ang hinahanap mo, tutulungan kitang hanapin. Huwag ka nang umiyak, hindi masosolusyunan ng iy
Leer más