Pero okay pa rin siya! Malaking bagay na 'yun! Kahit hirap lang itong maglakad, ayos na ayos na 'yun! Dalawang buwan na ang nakalipas, buhay na buhay pa rin itong nagpapakita sa lugar na ito. Kahit wala siyang saktong balita kung nasaan na ito ngayon, sapat na ang nalaman niya!Gaya ng sinabi ni Jessica, kapag walang balita, ibig sabihin ay mabuti ang kalagayan nito."Jessica?" Lumingon si Kate sa kasama habang hindi na napigilang pumatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata."Are you okay maam?" nag-aalalang tanong ng may-ari ng B&B dahil sa bigla nitong pagluha.Mariing tumango si Kate habang pinupunas ang pisngi. "I'm fine, really fine! In fact, I'm so happy! Thank you so much, sir!" Pero hindi niya pa rin mapigilang maiyak.Hindi naman sa may balita siyang masamang gagawin pagkatagpo kay Vincent; sa halip, matapos ang lahat ng pinagdaanan niya sa nakaraang buhay at sa panaginip, gusto lang niyang malamang ligtas at maayos ang kalagayan ng bawat isa. Kahit malabo pa rin kung
Read more