CHAPTER 109 – “Don’t Save Me If You’re Not Mine”“He keeps choosing them in the light… and me in the dark.”Hindi ko alam kung alin ang mas masakit.‘Yung makita siyang buhay…o ‘yung makita siyang tumitingin sa’kin na parang wala na akong ibig sabihin.Tatlong araw na mula nang makatakas ako sa compound nila. Tatlong araw na puro dugo, sunog, at bangkay ang iniwan ko sa bawat galaw ko. Tatlong araw na sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na wala na akong pakialam kay Torren Villanueva.Pero bawat gabi…bawat tahimik na segundo…naririnig ko pa rin ang boses niya sa utak ko.You’re mine.Napapapikit ako habang nakatayo sa balcony ng safehouse. Umuulan. Malamig ang hangin, pero wala ‘yon kumpara sa lamig na unti-unting pumapalit sa puso ko.Sa likod ko, bumukas ang pinto.“May update,” seryosong sabi ni Marco.Hindi ako lumingon. “Sabihin mo.”“May meeting mamaya sa pier warehouse. High-level exchange.”Tahimik akong huminga.“Kasama siya?” tanong ko.Hindi agad sumagot si Marco.
Leer más