NIAMH“Oh? Anong nangyari sayo? Bakit namumula ka? May lagnat ka ba?” usisa ni mommy pagkabalik ko sa kusina at nilapitan ako upang salatin ang noo ko. Umiling ako sa kanya. “Hindi po mommy, medyo mainit lang po sa labas.” pagdadahilan ko sa kanya. Pero ang totoo ay si Marcus ang dahilan kung bakit parang kamatis ang mukha ko ngayon.“Naku, mabuti pa kumain ka na. Ipinagluto na kita ng sisig mo.” Wika ni mommy na ikinabaling ko sa tray na hinanda niya para sa akin.“Thank you mommy! Kayo po? Kumain na kayo?”Naghugas siya ng kamay sa lababo.“Oo, kumain na kami ng dad mo. Aaalis kasi kami ngayon may titingnan kaming farm sa Laguna. Doon muna kami mag-stay kila Tito Edgar mo. Gusto sana kitang isama kaso baka matagalan kami doon. Kaya kayo na muna bahala ni Kuya Ivan mo dito at si Manang okay?” bilin niya sa akin.“Yes, mommy. Huwag niyo pong kalimutan yung salted egg ko ha? Ingat po kayo sa byahe.” Tumango siya sa akin at nagpaalam siyang aakyat muna para maayos daw ang mga dadalhin n
最終更新日 : 2026-03-23 続きを読む