Pagod na pagod kaming nakauwi ni Ate Clara sa aming bahay matapos ang ilang araw na pag-iwas at pagtatago sa probinsya. Akala ko ay tuluyan nang matatapos ang mga problema namin at makakahinga na kami nang maluwag, lalo na nang muli kaming makatapak sa sarili naming sala."We finally made it back, Ate. Ang sarap sa pakiramdam na nasa sarili na tayong bahay," masayang bungad ko habang ibinabagsak ang maliit kong shoulder bag sa ibabaw ng sofa at malalim na bumuntong-hininga."True, Crystal. No more running, no more stress. Makakapagpahinga na tayo nang maayos sa wakas, akala siguro ng mga lalakeng ‘yun eh makakaisa sa atin!" nakangiting sang-ayon din ni Ate Clara habang inilalagay ang mga gamit niya sa mesa.Pero ang simpleng kasiyahan na iyon ay hindi pala magtatagal. Pagpasok pa lamang ng aming mga magulang mula sa labas, agad kong napansin ang kakaibang seryoso at mabigat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. May hawak si Mommy na isang mamahaling puting sobre na may gintong tatak, h
Leer más