DWAYNENanatili akong nakatayo, nanginginig ang mga palad sa galit habang nakatitig sa pamilyang nakapaligid sa akin. Nakatali ang leeg ko, at hawak nila ang talim na pwedeng pumutol sa aking kinabukasan.Ang mga tingin nina Glen at Pia ay puno ng kasakiman, habang si Clara naman ay nakangiti nang may halong panunuya. Subalit ang pinakamatindi sa lahat ay ang mapanghamon na mukha ni Crystal, na naghihintay na lumuhod ako sa kanyang mga paa.Huminga ako nang malalim, pilit pinatitibay ang aking boses sa kabila ng nag-aapoy na galit sa aking dibdib. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking suit, tiningnan sila nang diretso sa mga mata."Crystal, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naintindihan kung bakit hindi tayo kinaloob ng langit na magsama noon," panimula ko habang malamig na nakatingin sa kanya. "In this lifetime, si Sasha lang ang mamahalin ko, at walang makakapagbago niyan—kahit pa ipagsiksikan mo ang sarili mo sa akin sa pamamagitan ng basurang blackmail na ito."Nang m
Leer más