Lumingon si Irish, walang takot kahit narinig ito ni Nixie, "Mali ba ako? Kung hindi lang nag-aral sa ibang bansa si Ate Tania, at kung hindi mo lang sinamantala ang pagkakataon, ikaw ba ang magiging asawa ng kuya ko?"Tumingin si Nixie kay Miss Lazaro. "Tita, Wesly, pasensya na po, mauna na kayong umuwi, may kailangan lang po akong asikasuhin."Hinatid muna ni Nixie ang dalawa sa kanilang kotse, saka bumalik at naglakad patungo sa pamilya.Hindi niya tiningnan si River, sa halip ay direktang tinitigan si Irish. "Irish Tan, kung gusto mong maging sister-in-law si Tania, sabihan mo ang kuya mo na makipag-divorce sa ‘kin. Mas effective 'yon kaysa sa sumisigaw ka rito sa labas."Bahagyang lumaki ang mga mata ni River. Gusto ni Nixie ng divorce?Imposible."Sa tingin mo ba ayaw kong makipag-divorce ang kuya ko sa ‘yo? Pinapangarap ko 'yan!" Lilingon sana si Irish para magsalita, ngunit agad siyang pinagalitan ni River."Tumahimik ka, Irish,” seryosong wika ng binata. "Hindi ko i-di-divorc
Magbasa pa