Masayang kumakain si Tania, puring-puri ang pagkain habang sumusubo."Nixie, ang galing mo palang magluto! No wonder pinupuri ka ni River! Anong pagkakaiba nito sa gawa ng isang chef sa five-star restaurant?" Nakaangat ang kanyang baso ng juice, ang mga mata ay bakas ang matinding garbo. "Mas nagiging kampante ako na ikaw ang nasa tabi ni Rev. Cheers sa ‘yo."Salamat sa pag-aalaga sa kanya sa loob ng maraming taon. Alam ko naman ang problema niya sa tiyan, kaya lang dahil nasa abroad ako... Never mind that, anyway, salamat." Isang lagok nitong inubos ang juice.Tinitigan siya ni Nixie. "Salamat lang dahil nag-cheers ka?"Natigilan si Tania, bago muling ngumiti. "So, anong ibig mong sabihin? Paano ba dapat kita pasalamatan?"Kumunot ang noo ni River, tuluyang naglaho ang pekeng ngiti sa labi ng binata."Nixie, ano ba ang ibig mong sabihin sa pananalitang 'yan? Mag-asawa tayo, 'di ba natural lang naman sa asawa ang alagaan ang kanyang kasama?" Humarap ito sa kanya. "Tania, huwag mo na l
最後更新 : 2026-06-03 閱讀更多