HINDI PA kailanman nakaramdam ng ganitong uri ng tiwala si Nixie mula sa isang kaibigan, kaya naman magaan siyang ngumiti kay Wesly.It was like a ray of light suddenly falling on a magnolia flower after being rained on, even if only for a moment, it was still sparkling.Bahagyang natulala si River sa ganda ng ngiti ng asawa."Aalis na kami, marami pa kaming gagawin," wika ni Nixie sabay hila kay Wesly papalayo.Hindi na sila pinigilan pa ni River, subalit humabol ito ng paalala. "Bukas na ang kaarawan ni Irish. H’wag mong kalimutang ibili siya ng regalo, at umuwi ka nang maaga.""Alam ko," walang buhay na sagot ni Nixie.Nagtatakang nagtanong si Wesly habang naglalakad sila, "Sino si Irish?""Kapatid niya.""Normal lang naman na ibili mo ng regalo ang kapatid niya kasi birthday, pero bakit kailangan mo pang umuwi nang maaga?""Para magluto."Ganoon na ang buhay niya sa loob ng nakaraang apat na taon. Kahit may kasambahay ang pamilya Tan, palagi silang nag-eimbita ng maraming bisita t
最後更新 : 2026-06-18 閱讀更多