Halatang naiinis na si Marco. Gusto na sana nitong sumagot ng pabalang, pero nang marealize nitong si Klentina ang nagsalita, pinigilan nalang nito ang kanyang sarili at nilunok na lang ang sasabihin. Hinintay muna ni Aeris na matapos si Klentina bago itinaas ang kanyang isang kilay kay Marco. "Mr. Buenavista, pwede na ba tayong mag-usap ng matino?" Malambot ang boses niya at marahan pang ngumiti. Pero malinaw ang mensahe nito, ito na ang huling pagkakataon ni Mr. Buenavista para magpakita ng katapatan. Kung hindi ito maging seryoso, hindi na magsayang pa ng kahit isang segundo si Aeris para rito. Naramdaman ni Marco na napaamo na siya ni Aeris. Alam niyang kung magagalit pa siya ngayon, lalo lang lala ang sitwasyon. Sa ilalim ng mariin na tingin ni Aeris, pilit siyang ngumiti. "Siyempre." Sagot niya at bago siya nagsalita ulit ay tumikhim pa siya, "Gusto ko lang malaman, magkano ba ang presyong nasa isip mo, Ms. Montalban?" tanong nito, diretso sa punto. Kalmado namang sumagot
Read more