Gulong-gulo si Aeris, kung dapat ba niyang hanapin si Max para kumustahin? Nang lumabas ito kanina, kitang-kita ang mga pasa sa mukha nito. Habang iniisip niya ito, lalo siyang kinakabahan at nag-alala. Hindi na niya naririnig si Klentina sa tabi niya na abala sa pagmumura kay Lucas sa pang-isang daang pagkakataon. Ang buong isip niya ay nakatuon lang sa mga sugat ni Max. Habang daldal ng daldal si Klentina, hindi nito naiwasang mabanggit ang naging away nina Max at Lucas. Sa totoo lang, natakot na ito. Mula pagkabata hanggang ngayon, kahit laging mukhang suplado ang kuya niya, hindi naman ito marahas o laging nakikipag-away. Ang mabangis na side nito na nakita niya kanina, ngayon lang niya nasilayan iyon. Kahit hanggang ngayon, kapag naaalala niya ang nangyari sa kwarto, kinikilabutan pa rin siya. Lalo na ang paraan ng pag-alis ni Max na malamig, malayo ang loob, na tila may kinagalitan pa rin. . . . Teka. Biglang may napagtanto si Klentina. Ang kuya niya ay rumesbak para
Read more