"Hoy, anong pinagsasabi mo, Lawrence?" Tanong ni Lucien dahil narinig niya rin ang sinabi nito."Lucien, pakiusap, bantayan mo nang todo ang nobya mo dahil hindi maganda ang kutob ko kaya ‘wag mong tatanggalin ang mga suot niyang proteksyon," Babala ni Lawrence. “Ikaw, loko ka! Tinatakot mo naman si Sabby,” Bulyaw ni Lucien. Tsaka naguguluhan siya dahil sa ikinikilos nito at kung makapagsalita ito ay talagang alam niya kung anong sinasabi niya."Buti pa, umuwi ka na," sagot ni Lucien. Alam niyang lagi siyang pinoprotektahan ng mga anting-anting na binibigay ng nanay niya tuwing may delikadong pangyayari o aksidente. Alam din niyang nagmamalasakit lang ang kaibigan kaya naiintindihan niya ang reaksyon nito."Pero alam mo, kahit walang anting-anting, mukhang guarded and blessed na talaga ang girlfriend mo," sabi ni Lawrence nang patago. Hindi niya masabi nang direkta ang tunay na dahilan, pero gusto lang niyang ipahiwatig na may kakaibang proteksyon si Sabby kaya hindi na ito kailangang
続きを読む