“Grabe, ang ingay agad ng pag-amin niyo ngayong araw,” puna ni Linda.“Huwag niyo na akong tanungin kung gusto ko bang maging sentro ng atensyon dahil sa boyfriend ko ‘to,” sagot ni Kaye habang iritadong tumingin kay Rafael, dahil gusto lang naman sanang maging low-key ang relasyon pero mukhang malabo na ‘yun ngayon.“Kaye, babe, ginawa ko lang ‘yun para walang ibang lumapit o manligaw sa ‘yo,” paliwanag ng binata habang naglalambing, isang bahagi ng sarili na hindi nakikita ng ibang tao. Pagbukas ng elevator ay nakita na nila ang tatlong kaibigan na sina Gio, Ken, at Miko na naghihintay sa labas ng klase.“Musta, Rafael? Maaga kayo ah, kumain na ba kayo?” tanong ni Gio.Dahil alam na ang nangyari ay sumenyas agad ang binata na tumahimik dahil mainit ang ulo ng girlfriend.“Hi, Gio, Ken, at Miko,” bati ni Kaye bago kinuha ang bag at dumiretso sa unahan para maupo. “Aalis na ako, masama ang loob ng girlfriend ko. Huwag niyo na siyang asarin,” paalam ng binata sa mga kaibigan.“Takot ka
Read more