Pagkatapos ihanda ang almusal ay umupo si Rafael sa tabi ni Kaye at siya pa mismo ang nagsubo ng putahe na niluto nila ni Mommy Criselda. Hindi sanay si Kaye na pinagsisilbihan kaya nahihiyang ngumiti, habang ang mga magulang naman ay kampanteng-kampante na dahil mukhang seryoso naman ang binata sa kanilang anak. “Kumain ka ng isda, Kaye, para bumilis ang takbo ng isip mo,” sabi ni Criselda.“Mommy, kung nakakatalino ang isda, matagal na siguro akong engineer o doktor,” sagot naman ng dalaga.Hindi nagustuhan ni Rafael ang pagkakasambit sa salitang doktor. Bilang pagbabala ay dinala ng binata ang kamay sa hita ng dalaga at pinisil nang bahagya. Sinamaan siya ng tingin ni Kaye at tinabig ang kamay habang patuloy na nakikipag-usap sa ina tungkol sa career nila.“Bakit, wala ka bang manliligaw na doktor o engineer?” tanong ng ina.“Meron po, ako,” mabilis na sagot ni Rafael. “Engineering student po ako, fourth year.” Ayaw niyang may ibang lalaking sumingit lalo na’t inamin nang mag-on si
Read more