Chapter 110Mabilis na kinuha ni Señora Cynthia ang cellphone mula sa kanya."Ngayong araw, ang tanging trabaho mo lang ay samahan ako at si Ophelia," utos ng matanda. "Walang ibang pwedeng umabala sa'yo, naintindihan mo ba?""Pero Lola, may kailangang ayusin sa—""Wala akong pakialam!" putol ni Señora Cynthia. "Dito ka lang sa tabi namin."Matigas ang boses ni Señora Cynthia bago niya ibinato ang phone kay Manang Lordes."Itago mo 'yan!" utos ng matanda."Lola, trabaho lang po ito," pakiusap ni Dominic. "Alam niyo naman na kaka-public lang ng group at marami pang kailangang ayusin. Hindi pa rin stable ang stock market.""Wala akong pakialam sa stocks na 'yan," sagot ni Señora Cynthia."Lola, please? Bigyan niyo lang ang apo niyo ng konting oras para asikasuhin ang business," hirit pa ni Dominic.Hindi natinag ang matanda, pero biglang sumingit si Ophelia sa usapan."Lola, doon na lang po tayo sa kabilang side maglakad-lakad," suhestiyon ni Ophelia habang nakaalalay sa matanda. "Bigya
Última atualização : 2026-05-14 Ler mais