My Husband Betrayed Me Now I’m Pregnant With a Tycoon's Twin

My Husband Betrayed Me Now I’m Pregnant With a Tycoon's Twin

last updateHuling Na-update : 2026-05-22
By:  Orion WuOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
144Mga Kabanata
787views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Hindi akalain ni Ophelia ma-diagnose siya with infertility after ng kasal. Pero hindi sumuko ang kaniyang asawa na si Dominic. He recommends na mag-IVF (In vitro fertilisation) silang mag-asawa. Matapos ang napakahirap na proseso… sa wakas ay nabuntis siya. Akala niya, iyon na ang simula ng masayang pamilya. Pero mali siya. She discovered that the twins in her womb were actually her husband's and her first love's child! Doon nagsimulang mapuno ng galit si Ophelia. Pero mas malala pa ang nalaman niya sa hospital… Her husband had low sperm count, and the hospital accidentally switched sperms. Now, she’s carrying the mysterious tycoon’s heir!

view more

Kabanata 1

Chapter 1

CHAPTER 1

Masayang ngumiti ang doktor habang iniabot ang resulta kay Ophelia. 

“Mrs. Villacorta, mukhang naging matagumpay ang IVF attempt ninyo sa pagkakataong ito,” balita ng doctor. "You and the fetus are healthy. Congratulations!"

Tahimik na nakaupo si Ophelia sa loob ng opisina ng reproductive specialist. Mahigpit niyang hawak ang ultrasound report habang dahan-dahang sumilay ang ngiti sa dati’y tensyonado niyang mukha.

“Napakagandang balita nito…” bulong niya, nangingilid ang luha habang marahang hinahaplos ang kanyang tiyan. “Hindi nasayang ang dalawang beses kong IVF attempt.”

Sumagi sa isip niya ang unang failed IVF attempt. Dahil sa takot na mabigo ang kanyang asawa na si Dominic ay palihim siyang bumalik sa ospital upang sumailalim sa pangalawang In Vitro Fertilization or IVF. Muli siyang kinuhanan ng egg cells to fertilized in a laboratory along with Dominic’s sperm. After the fertilization, it is placed in her uterus and finally she’s pregnant!

Bahagya na siyang tumayo upang umalis nang may bigla siyang maalala. Napalingon siya sa doktor.

“Dr. Monroe,” mahinahon ngunit may halong pag-aalala ang kanyang tinig, “maaari po bang huwag ninyong sabihin muna sa asawa ko ang tungkol sa failed first IVF ko? I don't want him to be saddened by what has already happened.”

Naalala ni Ophelia ang araw na nalaman niyang may bara ang kanyang fallopian tubes. Akala niya ay hindi na sila magkakaanak ni Dominic. 

“Look at me, Ophelia.” Utos nito .She’s looked at him in the eyes.

Hinawakan ni Dominic ang kaniyang palad. “Huwag kang matakot, okay? Napaka-advance na ng medical technology ngayon, we can still do IVF. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya natin ito basta hindi tayo susuko. We’ll have a child soon.”

"Mr. Villacorta is truly a rare kind of considerate person." The doctor praised and smiled at them.

Para kay Ophelia, balewala ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya sa dalawang IVF attempts, as long as she can successfully give birth to her twins and preserve her marriage and their little family. She believes it's all worth it.

Pagkalabas niya ng ospital ay nagpasya siyang dumaan sa kumpanya  upang ibalita kay Dominic ang magandang balita.

Tanghali na noon kaya kakaunti ang mga taong kanyang nakasalubong. Malawaka ng kaniyang ngiti pagdating niya sa opisina ng CEO.

Kumunot ang kaniyang noo ng mapansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Itataas na sana niya ang kamay upang kumatok nang marinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa loob.

“Bro, that's quite a shrewd move,” seryosong sabi ni Rafael. “Bakit mo naman ginawa iyon?”

“What?” nagtatakang tanong ng kaniyang asawa.

Sumilip si Ophelia sa may pinto. Si Rafael ang kausap ni Dominic, he’s bestfriend.

“You turned Ophelia into a surrogate for Claudette.” Umiling si Rafael. “Kapag nalaman niyang anak ninyo ni Claudette ang pinagbubuntis niya, siguradong magkakagulo.” 

Biglang nanigas ang kamay ni Ophelia. Mali ba siya ng narinig? Surrogate? Claudette and Rafael’s child? W-what?

“Bakit naman magkakagulo?” malamig at walang pakialam na tugon ni Dominic, sabay tawa nang bahagya. “Ano bang karapatan niya para mag-eskandalo? She’s just my wife on paper, bro. Nothing else. Kilala mo kung sino ang gusto kong pakasalan at mapangasawa.”

Sandaling tumigil si Dominic bago muling nagsalita, mas mabigat ang tono. “Kung hindi dahil sa kaniya at hindi niya ginamit ang kaniyang pamilya para ilayo si Claudette sa akin, hindi sana kami naghiwalay at hindi sana umalis si Claudette papuntang ibang bansa.”

Napakunot ang noo ni Rafael. “Pero mali pa rin na gawin mo siyang surrogate mother na hindi niya alam ang totoo.”

“That’s the least Ophelia can do for us,” biglang tumalim ang boses ni Dominic.“Carrying our child is already more than she deserves.”

Para bang tinamaan ng kidlat si Ophelia. Nanatili siyang nakatayo at hindi makagalaw. Namumutla ang kanyang mukha habang unti-unti niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang kanyang tiyan. Hindi niya matanggap ang kanyang narinig.

“You know how much Ophelia has suffered these past six months…” Rafael muttered, then fell silent.

“At alam mo rin na mahina ang katawan ni Claudette.” Sumandal si Dominic sa kaniyang swivel chair like what Rafael said was nothing. “With Claudette’s condition, pregnancy is out of the question. I won’t let her endure that kind of pain. ”

“Naririnig mo ba sarili mo, bro?” Rafael said, disbelief evident in his voice as he stared at Dominic. “What about your wife? Isn’t she just as fragile as Claudette?”

Dominic barely reacted, his expression cold and unmoved. “You’re making it sound worse than it is,” he replied flatly. “I’m just making sure Claudette doesn’t get hurt.” He paused for a moment before adding dismissively, “And Ophelia isn’t as fragile as you think she is.”

Sandaling nanahimik ang silid.

“Isa pa,” dugtong ni Dominic, mas lalong bumigat ang kanyang boses, “hindi ba’t matagal nang gustong magkaanak ni Ophelia sa akin?”

Kinagat ni Ophelia ang pang-ibabang labi. Hindi niya akalain na ganito si Dominic. All this time, akala niya ay mahal na mahal siya ng asawa. Napakalambing nito sa kaniya at inaalagaan siya.

“Bro…” mahinang tawag ni Rafael, tila nag-aalala.

Ngunit agad siyang pinutol ni Dominic. “Ang anak namin ni Claudette ay anak ko rin. Anong pinagkaiba noon?”

Umiling si Rafael, halatang hindi sang-ayon. “Dominic, napakalupit ng ginagawa mo. Sana hindi ito bumalik sa’yo balang araw.”

“Rafael, huwag mong sabihing wala akong puso,” malamig na sagot ni Dominic. “Kapag maayos na niyang naipanganak ang bata, bibigyan ko siya ng sapat na pera bilang kabayaran.”

“Paano kung…” nagsimulang magtanong si Rafael ngunit hindi niya naituloy.

Alam ni Dominic kung ano ang nais nitong sabihin.

“Walang ‘paano kung’,” mariin niyang putol habang masamang tinitigan si Rafael. “Siguraduhin mong hindi niya ito malalaman. Hindi dapat mapahamak ang anak namin ni Claudette.”

Hindi na maalala ni Ophelia kung paano siya nakaalis doon.

Nakarating siya sa hagdanan at nanginginig ang buong katawan. Halos mawalan siya ng balanse at kung hindi siya kumapit sa railing, baka tuluyan na siyang bumagsak. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Ophelia habang bumibigat ang kanyang dibdib.

Ang mas masakit, yung batang dinala niya sa sinapupunan matapos ang lahat ng hirap ay para pala sa asawa niya at sa babaeng mahal nito.

Ginawa lang siyang breeding machine ni Dominic. How ridiculous!

He treated her so well that she never realized he was already betraying her. He was kind, patient, and tender, and that was exactly why she never suspected a thing.

“It was all fake… wasn’t it? Every single thing,” mahina niyang bulong, nanginginig ang labi.

Bigla siyang natigilan. 

“No… wait!” Sandaling nanlaki ang kanyang mga mata habang may naalala.

Nabigo ang first IVF attempt niya, ibig sabihin ang embryo na dinadala niya ngayon ay galing sa second attempt.

Kung ganoon… kaninong anak ang nasa sinapupunan niya?

Sa kanya ba… o kay Claudette?

“Hindi…” marahang umiling si Ophelia, tila hindi matanggap ang posibilidad.

Nanginig ang kamay niya habang unti-unting nagsi-sink in ang realization. 

Kumirot ang dibdib niya sa kaba. 

“Kailangan kong pumunta sa ospital,” mariin niyang sabi sa sarili, pilit pinatatatag ang boses. “Kailangan kong malaman ang totoo.”

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis niyang pinunasan ang luha at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Pagdating niya sa ospital ay diretso siyang nagtungo sa opisina ni Dr. Monroe. Hindi naka-lock ang pinto kaya dere-deretso siyang pumasok ng walang pag-aalinlangan saka itinulak niya iyon.

Bumungad sa kanya ang eksenang hindi niya inaasahan.

“Anong gagawin natin ngayon, huh?!” Halos sigawan ni Dr. Monroe ang isang nurse na mukhang baguhan.

Nanginginig ang balikat ng nurse habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Halos hindi na maintindihan ang kanyang sinasabi habang pilit nagpapaliwanag.

“Doc… hindi ko po s-sinasadya… unang beses ko po sa sperm bank… hindi ko naman alam na mali po ang nabasa kong code…”

Pagkabukas ng pinto, biglang napalingon si Dr. Monroe. Nang makita si Ophelia ay nanlaki ang mata nito at napalitan ng matinding kaba ang kanyang galit.

Ang nurse naman ay tila lalo pang natakot. Napayakap siya sa sarili at yumuko nang mas mababa, halos hindi na makahinga sa takot.

“Dr. Monroe, wala akong oras para makinig sa sermon ninyo,” diretso niyang sabi habang titig na titig dito. “Sabihin ninyo sa akin ang totoo. Kaninong bata ang nasa tiyan ko? Sinong ama? Ako ba ang ina? Or I became a surrogate mother?”

Agad na namutla ang doktor. Nanginginig ang kanyang boses habang sumagot. 

“Mrs. V-villacorta… alam niyo na po ba ang nangyari?” halatang natataranta ang doktor, halos nauutal sa kaba. “I-isa po itong pagkakamali… humihingi po kami ng paumanhin!”

Agad itinuro ng doctor ang nurse sa gilid. His tone tinged with a panicked attempt to shift blame. 

Malakas na bumuntong hininga ang doctor. “Actually, it was her who made the mistake. She’s a new hire sa aming department and it was two months ago, when she retrieved the sperm sample, she misread the code and took the wrong one. I am not aware either. Sa totoo lang ay ngayon ko lang din ito nalaman.”

Napaatras si Ophelia ng bahagya.

“Maling sperm?” nalilitong tanong niya. “Hindi ko… hindi ko maintindihan…”

Napatingin si Dr. Monroe sa kanyang tiyan.

Bago pa makapagtanong si Ophelia muli, agad itong nagsalita, tila hindi na makapaghintay.

“Ang sperm na ginamit sa batang dinadala ninyo… hindi iyon sa asawa niyo,” paliwanang nito. "I...I only just realized something was wrong, but now it's too late..."

Parang tumigil ang tibok ng puso ni Ophelia.

“Anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong niya, halos hindi lumalabas ang boses. “Paano naman ang egg cells?”

Hindi agad nakasagot ang doktor.

Ang nurse naman ay tila naghahanap ng lakas ng loob ngunit hindi makapagsalita.

Unti-unting tumalim ang tingin ni Ophelia.

“Kapag may itinago pa kayo sa akin,” mariin niyang sabi, bawat salita ay puno ng babala, “idemanda ko ang ospital na ito hanggang sa tuluyan itong magsara. Hindi ako nagbibiro.”

Napayuko si Dr. Monroe, halatang natatakot.

“Mrs. Villacorta… sasabihin ko na po ang lahat,” mahinahon ngunit nanginginig ang kanyang tinig. “The sperm used in your pregnancy… it isn’t Mr. Villacorta’s. Which means your husband isn’t the father of your child.”

Dahan-dahan nitong inabot ang isang dokumento. "It came from Mr. Magnus El Salvador’s sperm. The CEO of El Salvador Group of Companies."

Bahagyang natigilan si Ophelia habang nakatingin sa papel.

Nagpatuloy ang doktor.

“Dalawang taon na ang nakalipas, muntik nang mamatay si Mr. El Salvador sa isang aksidente,” panimulang paliwanag ni Dr. Monroe. “Dahil iisa lang ang naging anak na lalaki ng pamilya nila sa loob ng limang henerasyon, agad nilang kinuha at pina-freeze ang sperm niya para mapreserve ang bloodline, at dito iyon na-store sa ospital namin.” Bahagya siyang huminga bago nagpatuloy. "After Mr. El Salvador recovered, the El Salvador family didn't retrieve the sperm."

Saglit siyang tumingin kay Ophelia bago muling nagsalita.

“Noong unang IVF attempt ninyo, mababa ang kalidad ng sperm ni Mr. Villacorta, at may problema rin ang mga sperm na ipinadala noon. Kaya noong bumalik ka para sa second IVF attempt, kumuha kami ng panibagong sample mula sa’yo.”

Napapikit si Ophelia, unti-unting pinoproseso ang lahat.

“Ang egg cells ay mula pa rin sa’yo, Mrs. Villacorta…,” dagdag ng doktor saka umiwas ng tingin, “but during the IVF procedure, the nurse accidentally took the wrong sperm...”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ophelia.

“Ibig sabihin…” mahina niyang bulong.

“Ang batang dinadala ninyo ay anak ninyo,” tuluyang sabi ng doktor, “ngunit hindi anak ng inyong asawa.”

Tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Ophelia.

In just a few hours, her life had been a rollercoaster of ups and downs. Kanina, akala niya isa lamang siyang breeding machine para sa anak ng kanyang asawa at ng babae nito. Ngayon naman nalaman niyang ang bata sa kanyang katawan ay siya ang ina… ngunit ang ama ay sa isang lalaking hindi niya kilala!

What was this? A cruel joke played by God? Parang pinaglalaruan siya ng tadhana.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang kanyang tiyan. Sumagi sa isip niya ang mukha ni Dominic.

Parang isang panaginip ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala. She can vividly remember Dominic's gentle face as he embraced her, clashing with the side of him she never expected to see.

Nasusuka tuloy siya sa pagmumukha ni Dominic. 

Kung hindi siya na-miscarried noon, she would have been carrying her husband’s child with another woman. How disgusting!

Unti-unting tumigil sa pag-iyak si Ophelia. Marahan niyang pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng kanyang kamay, at nang muli siyang tumingin, wala nang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata kundi malamig na katahimikan.

Nabalot ng katahimikan ang silid. Hindi nangahas magsalita si Dr. Monroe at ang nurse, kapwa tila nanigas sa kanilang kinatatayuan.

Dahan-dahang lumapit si Ophelia kay Dr. Monroe, matatag ang bawat hakbang. “Doktor Monroe,” malamig at kontrolado ang kanyang tinig, “ang nangyari ngayong araw… tayong tatlo lamang ang makakaalam. Hindi ito pwedeng makalabas o may makaalam. Do you understand?”

“Mrs. Villacorta, kami ay…” pilit na nagsalita ang doktor.

Ngunit agad siyang natahimik nang magtama ang kanilang mga mata. Sa titig pa lamang ni Ophelia, malinaw na wala na siyang balak makinig.

“Maaari kong palampasin ang pagkakamali ninyong ito… sa ngayon,” malamig na putol ni Ophelia, ang bawat salita ay may dalang babala.

Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin kay Dr. Monroe, matalim at walang awa.

“Pero kapag may nakaalam nito,” pagpapatuloy niya at ngumiti, “First, idedemanda ko ang ospital ninyo hanggang sa tuluyan itong magsara.”

Bahagya siyang humakbang palapit, hindi inaalis ang titig sa doktor.

“Pangalawa ang lisensya mo, Dr. Monroe. I’ll ensure your license is stripped from you, and you will never work in the medical field again.”

Unti-unti niyang ibinaling ang tingin sa nanginginig na nurse sa gilid.

“And you,” malamig niyang dagdag, “medical negligence and concealment of a medical accident? Those alone could hold you criminally liable and land you in prison, don’t you think??”

Parang nawalan ng lakas ang tuhod ni Dr. Monroe. Halos bumigay siya sa kinatatayuan, habang ang nurse ay tuluyang napaiyak muli, nanginginig ang buong katawan.

“Mrs. Villacorta, nangangako kami!” agad na sabi ni Dr. Monroe, halos nagmamakaawa ang boses. “Hindi namin ito sasabihin kahit kanino. Kahit kailan!”

Hindi na sila muling tiningnan ni Ophelia.

Sa lahat ng nangyari, iisa lang ang ipinagpapasalamat niya. Ang batang dinadala niya ay kanya. Hindi iyon anak nina Dominic at Claudette. Hindi siya nagbubuntis para sa iba, kundi para sa sarili niya.

Tungkol naman sa pamilya El Salvador, basta mananatiling lihim ang lahat, walang sinuman ang makakaalam ng katotohanan.

Huminga siya nang malalim at tuluyang naglakad palabas ng opisina. Habang naglalakad palabas ng ospital, unti-unting tumitigas ang kanyang puso.

Matapos ang lahat ng kanyang narinig, hindi na niya kayang maging asawa si Dominic. 

Kailangan na niyang makipag-divorce. Ayaw na niyang manatili sa pamilya Villacorta na parang handang lamunin siya. At si Dominic, sa dami ng kasinungalingan nito, nasusuka siya sa tuwing naiisip o makikita niya ito.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Sisiguraduhin niyang mapapalaki niya ito ng maayos kahit wala itong ama. Isa pa, hindi na ipinapako sa krus ang mga single mom ngayon. Simula ngayon, mabubuhay siya para sa sarili niya at para sa kanyang anak.

Pagdating sa bahay, mabigat ang bawat hakbang ni Ophelia habang papasok. Awtomatikong umilaw ang motion sensor sa entrace.

Tahimik ang buong bahay tulad ng dati. Ang lugar na minsan niyang itinuring na tahanan ay tila isa na lamang kulungan. Isang kulungang ginawa ni Dominic upang itali siya.

Huminga siya nang malalim matapos ilibot ang tingin sa buong bahay. Agad siyang nagtungo sa kwarto at sinimulang mag-empake. Ngunit nang buksan niya ang wardrobe ay natigilan siya.

Kakaunti lamang ang kanyang mga gamit. Mapait siyang ngumiti. Samantalang ay prinsesa siya ng mga Gatchalian. She has everything. She didn’t realize it until now.

Upang patatagin ang ugnayan ng dalawang pamilya, kusang lumapit ang pamilya Villacorta upang hingin ang kanyang kamay para kay Dominic.

Kahit si Claudette, ang babaeng minamahal ni Dominic ay hindi nagustuhan ng mga Villacorta dahil sa pagiging mahirap nito. 

Alam niya ring kaya iniwan nito si Dominic ay binayaran ito ng ina ni Dominic. Tinanggap ni Claudette ang pera at umalis papuntang ibang bansa. Ngunit hindi iyon alam ni Dominic, ang buong akala nito ay siya ang dahilan kaya umalis si Claudette. Hindi niya kasalanan na mukhang pera ito. Na-offer-an lang ng isang milyon, iniwan na si Dominic.

Kaya kahit labag sa loob ay sinunod ni Dominic ang kagustuhan ng pamilya niya at pinakasalan siya. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan matapos ang kasal ay lumabas ang katotohanan na hindi pala siya tunay na Gatchalian. Dito nag-umpisa ang impyernong buhay niya. Basura at walang silbi, iyong tingin ng pamilya ni Dominic sa kaniya. Mula sa pagiging perpektong manugang, naging pabigat siya sa kanilang paningin. Araw-araw siyang kinukutya ng kanyang biyenan na si Violeta para hiwalayan ang anak nito.

Napapikit si Ophelia habang tahimik niyang isiniksik ang kakaunti niyang damit sa maleta. Isasara na sana niya ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan sa screen.

“Hello p–?” Sinagot niya ang tawag.

“Ophelia, nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?!” sigaw ng kanyang biyenan. “Pumunta ka rito ngayon din! "If you delay our business, you won't get away with it!”

Bigla nitong ibinaba ang tawag.

Mahigpit na napahawak si Ophelia sa telepono.

Nangingibabaw ang galit sa kanyang dibdib.

Nakalimutan niyang ngayon pala ang weekly visit niya sa mansion ng mga Villacorta.

Mula nang malaman ni Violeta na hindi siya tunay na anak ng pamilya Gatchalian, wala na itong ginawa kundi maliitin siya.

Palagi nitong sinasabi na wala siyang karapatang dumikit kay Dominic na siyang CEO ng Villacorta Corp.  Ngunit dahil hindi rin pumapayag si Dominic sa divorce, pinili nitong gawing impiyerno ang kanyang buhay.

Nakakatawang isipin na ang pamilyang minsang sabik siyang gawing manugang ay ngayon gustong mawala siya sa mundo nila.

Of course there’s an exemption, hindi lahat ay ayaw sa kaniya katulad ni Senyora Cynthia. 

Linggo-linggo itong dinadala mula sa nursing home, at sa lahat ng tao, si Ophelia ang pinakamahal nito.

Sa pag-alala sa kabaitan ng matanda ay nagpasya pa rin siyang pumunta.

hindi pa man siya tuluyang nakapasok ay sinalubong na siya ng nagliliparang gamit.

“Marunong ka pa palang umuwi?!” galit na sigaw ni Violeta pagpasok niya ng mansion. Bigla itong may hinagis sa kanya. “Mabuti pa sana kung namatay ka na lang sa labas! Salot ka!”

Mabilis na umiwas si Ophelia. Gumulong ang isang mansanas sa sahig.

Lalong nagalit si Violeta nang makitang nakaiwas siya.

Agad itong lumapit at itinaas ang kamay upang sampalin siya.

Mabilis na hinawakan ni Ophelia ang kanyang pulso. "Enough!"

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Rebyu

L. Boss
L. Boss
ganda ng story author
2026-06-04 16:14:31
1
0
144 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status