Chapter 62Dahil madumi na ang kanyang dress, kailangang umakyat ni Ophelia para magpalit. Bago pa man siya makahakbang, nag-vibrate ang phone niya. Text mula kay Arlando.Boss, Fred Sinclair has gone in. Malapit na siya sa entrance ng banquet hall.Rinig na ni Ophelia ang bulungan at gulo sa may pinto, pero hindi na niya ito nilingon. Dumiretso siya sa central staircase, ngunit imbes na pumunta sa changing room, tinahak niya ang daan patungo sa emergency exit. Matapos marinig ang malakas na pagsara ng pinto at isa pang text mula kay Arlando, dahan-dahan siyang bumaba.Pagdating sa exit ng first floor, bahagyang binuksan ni Ophelia ang pinto at doon niya narinig ang boses ni Claudette."What exactly do you want, Dad?" bulyaw ni Claudette, bakas ang galit at takot sa boses."Binigyan na kita ng malaking pera back then, 'di ba? Can't you just pretend na patay na ako? Bakit mo pa ako ginugulo rito?" patuloy nito."Claudette, anak..." subok ng matanda pero pinutol siya nito."I'm begging
最後更新 : 2026-04-28 閱讀更多