MAUREENHabang tahimik akong nakatayo sa may madilim na pasilyo malapit sa kusina, pinakikinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa mga labi ni Audrey at ng mga alalay niyang sina Mirna, Agnes, Fe, Lucia, Amy, Bea, Emily, Karla, Violy, at Sandra.Rinig na rinig ko ang kanilang mga pag-aalala, ang mga babala nila kay Audrey, at ang desperasyon sa boses ng babaeng iyon. Habang pinapakinggan ko sila, isang demonyotang ngisi ang unti-unting gumuhit sa mga labi ko.Mga tanga, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang umiiling. Akala nila ay may laban sila sa mga drama at taktika ko?Magkampihan man silang lahat at magtulungan para suportahan si Audrey, walang mangyayari kung mismong si Carlton ay hawak ko sa palad ko. Hangga't nagagamit ko ang konsensya at awa ng lalaking iyon, kahit buong barangay pa ang kumampi kay Audrey, wala silang magagawa para patumbahin ako. Si Carlton ay mananatiling sunud-sunuran sa mga laro ko hangga't pinapakita ko na ako ang biktima.Kaya naman kinabukasan, m
اقرأ المزيد