AUDREYNakahinga ako nang malalim habang nakatayo sa may malaking bintana ng sala, pinapanood ang paglubog ng araw habang iniisip ang lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang daming gulo, ang daming stress, lalo na dahil kay Maureen. Pero ngayon, unti-unti nang kumakalma ang paligid.Habang nag-aayos ako ng ilang mga gamit sa lamesa, dahan-dahang lumapit sa akin ang mga kasambahay naming sina Mirna, Agnes, Fe, Lucia, Amy, Bea, Emily, Karla, Violy, at Sandra. Halos lahat sila ay mukhang may gustong sabihin habang nagpapalitan ng mga tingin."Ma'am Audrey," panimula ni Mirna habang bahagyang lumapit sa akin. "Gusto lang po naming sabihin...buti na lang po at wala na si Maureen dito sa mansion. Sa wakas, magkakaroon na rin po ng katahimikan at kapayapaan ang buong bahay na ito.""Oo nga po, Ma'am," sang-ayon naman ni Agnes habang nakangiti nang tipid. "Grabe ang stress na ibinigay sa atin ng babaeng 'yun. Para siyang sumpa na nagdala lang ng gulo kina Sir Carlton."Napangiti
اقرأ المزيد